Yasmien Kurdi, Alfred Vargas, binalikan ang bullying na naranasan ng mga anak

Naging malaking isyu kamakailan ang bullying matapos ang insidente ng pamamaril sa isang eskwelahan sa Tacloban, Leyte. Ang isa sa mga tinitingnan dahilan ay naging biktima umano ng pambu-bully ang menor de edad na suspek.
Sa Fast Talk with Boy Abunda nitong Lunes, June 29, ibinahagi nina Yasmien Kurdi at Alfred Vargas ang pambu-bully na naranasan ng kanilang mga anak at ang aral na natutunan nila dito.
Matatandaan na ipinagtanggol ni Yasmien ang anak na si Ayesha matapos itong i-target ng mga kaklase ng pambu-bully kung saan hinarang umano nila ang anak upang hindi ito makalabas ng classroom at makapananghalian.
Samantala, nagsampa naman ng kaso sina Alfred at asawa niyang si Yasmine laban sa mga magulang ng batang sumubok umano lunurin ang kanilang anak sa pool sa isang swimming competition.
Alamin ang kuwento ng bullying na naranasan ng mga anak nina Yasmien at Alfred at kung papaano nila ito tinugunan sa gallery na ito:









