Year in Review: Kapuso and Kapamilya milestones

Iba't ibang milestone ang nakamit ng Kapuso at Kapamilya network ngayong taon sa pamamagitan ng kanilang partnerships para makapagbigay ng saya sa bawat Pilipino.
Isa na rito ay ang pagpapalabas ng noontime variety show na It's Showtime sa GMA-7. Matatandaan na naganap ang contract signing sa pagitan ng GMA at ABS-CBN para sa pag-ere ng noontime show sa main channel ng Kapuso network noong March 20.
Magmula noon, iba't ibang Kapuso stars na ang bumisita at nakisaya sa nasabing programa. Gayundin, ilang Kapamilya stars na rin ang napanood sa mga programa ng Kapuso network.
Kamakailan lamang ay inanunsyo rin na patuloy na mapapanood ang It's Showtime sa GMA sa 2025.
Hindi lamang sa telebisyon nasaksihan ang partnership ng dalawang media giants kundi maging sa pelikula.
Ang pelikulang Hello, Love, Again, na pinagbidahan nina Kathryn Bernardo at Alden Richards, ay ang first movie collaboration ng Star Cinema at GMA Pictures. Ang nasabing pelikula ay ang kasalukuyang highest-grossing Filipino film of all time.
Alamin ang Kapuso at Kapamilya milestones sa gallery na ito.













