News
'You're My Favorite Song' star-studded cast, ipinakilala na

Marami na ang nag-aabang sa upcoming romantic drama series sa GMA Afternoon Prime na You're My Favorite Song.
Ang seryeng ito ang kauna-unahang pagkakataong magkakasama sa isang serye sa telebisyon ang 'CapEath' na binubuo nina PBB Celebrity Collab Edition 2.0 Kapuso Big Winner Caprice Cayetano at PBB Celebrity Collab Edition 2.0 Kapuso 2nd Big Placer na si Heath Jornales.
Makakasama ng dalawang Kapuso young stars ang kanilang kapwa former housemate na sina Sparkle actors Marco Masa at Clifford.
Nagsama-sama ang cast at ang production team ng inaabangang serye sa naganap na story conference noong Martes, May 12, 2026.
Kilalanin ang cast at creative team ng You're My Favorite Song sa gallery na ito.












