Sa hit GMA inspirational-medical drama series na Abot-Kamay Na Pangarap, gagawa na ng paraan ang mag-inang Lyneth at Analyn (Carmina Villarroel and Jillian Ward) upang mapatunayan nilang may kinalaman si Moira (Pinky Amador) sa nangyari kay Doc RJ (Richard Yap).
Sa pamamagitan ng isang hard drive, susubukan nilang ipaalam kay Zoey (Kazel Kinouchi) ang tungkol sa kanilang madidiskubre.
Sino kaya ang kakampihan ni Zoey?