Photo courtesy: Youre My Favorite Song
Ngayong ikaapat na linggo ng You’re My Favorite Song, iba’t ibang damdamin na ang hatid nito tuwing hapon: saya, lungkot, kaba, takot, inis! Ngunit hindi pa rin mawawala rito ang “next-gen kilig” na hatid nina Heath Jornales, Clifford, Marco Masa, at Caprice Cayetano na talagang inaabangang at kinasasabikan tuwing hapon!
Sa patuloy na pag-ikot ng kwento, hindi maikakailang nagpakilig, nagpahanga, at nag-iwan ng marka ang mga eksena ng tatlong tinitingalang ships ng serye—ang AnGuel, GeLix, at ZiGel—na patuloy na tinututukan at minamahal ng ating mga solid YMFS fans at viewers.
Faves, kaninong ship kaya ang may BEST SCENE sa Week 4 ng You’re My Favorite Song?
Sagutan ang poll na ito! The poll ends on July 20, and the results will be announced on July 21.
Patuloy na panoorin ang You’re My Favorite Song kung saan tampok sina Heath Jornales, Clifford, Marco Masa, at Caprice Cayetano; Lunes hanggang Biyernes, 4:00 p.m., pagkatapos ng Kamao sa GMA Afternoon Prime!