Napapanood sina Jeric Gonzales, Boy 2 Quizon, at Royce Cabrera sa GMA drama series na ‘Start-Up PH.’
Kinagigiliwan ng TV at online viewers ang kanilang mga karakter bilang makukulit na magbabarkada na sina Davidson, Wilson, at Jefferson na mas kilala bilang Three Sons Tech o TST Boys.
Nagsimulang mabuo ang samahan ng tatlong ito noong sila ay magkakaklase pa lamang sa kolehiyo hanggang sa naitinayo nila ang business na Three Sons Tech.
Kasalukuyang nakikipagsapalaran ang TST Boys sa loob ng SandboxPH kasama sina Dani (Bea Alonzo), Ina (Yasmien Kurdi), Kim Domingo, at marami pang iba.