GMA Logo GMA Gala 2024
Photo by: sparkegmaartistcenter (IG)
What's Hot

10 days to go before the star-studded GMA Gala 2024!

By Aimee Anoc
Published July 10, 2024 6:51 PM PHT
Updated July 10, 2024 6:52 PM PHT

Around GMA

Around GMA

EDSA Guadalupe, other NCR roads undergo road reblocking
OFWs repatriated due to Middle East crisis welcomed at job fair
Six PH universities make it on Times Higher Education University Rankings

Article Inside Page


Showbiz News

GMA Gala 2024


Abangan ang inyong paboritong celebrities sa highly-anticipated GMA Gala 2024 na gaganapin ngayong July 20.

Sampung araw na lamang at magaganap na ang pinaka inaabangang event ngayong taon, ang GMA Gala 2024.

Sa pagbabalik ng GMA Gala para sa ikatlong taon nito, puspusan na ang paghahanda mula sa pagkain, venue, photo at video coverage ng mga dadalo, hanggang sa mga celebrities na getting ready na sa kanilang outfit at magiging look.

Ilan sa mga celebrities na nagpakita na ng kanilang preparasyon para sa much-awaited event ay sina Pokwang, Ysabel Ortega, Julie Anne San Jose, Rayver Cruz, Kelvin Miranda, Jak Roberto, Derrick Monasterio, Ken Chan, Lianne Valentin, Elijah Alejo, Allen Ansay, Anjay Anson, at Betong Sumaya.

Bukod sa Kapuso celebrities, ibinahagi ng GMA Network Senior Vice President for Programming, Talent Management, Worldwide and Support Group, and President and CEO of GMA Pictures na si Atty. Annette Gozon-Valdes na imbitado ang cast ng It's Showtime sa GMA Gala 2024.

Isang post na ibinahagi ni Sanya Lopez (@sanyalopez)

Nagsisilbi ring isang fundraising event ang GMA Gala na naglalayong makatulong sa mga benepisyaryo ng GMA Kapuso Foundation.

SAMANTALA, BALIKAN ANG NAGING LOOKS NG ILANG CELEBRITIES SA GMA GALA 2023 SA GALLERY NA ITO: