GMA Logo wish ko lang promo winners
What's Hot

2 ginang nanood, nag-selfie, at nanalo ng instant P5,000 sa 'Wish Ko Lang'

By Racquel Quieta
Published October 25, 2021 6:34 PM PHT

Around GMA

Around GMA

Amihan, easterlies to bring rains over parts of PH
Sarah Discaya, 8 others detained at jail in Mactan, Lapu-Lapu City
Gabbi Garcia reveals PCOS diagnosis, champions body positivity

Article Inside Page


Showbiz News

wish ko lang promo winners


Ikaw rin, puwedeng magwagi ng instant cash prize sa bagong 'Wish Ko Lang.'

Kahit tapos na ang 19 Instant Wishes promo ng bagong Wish Ko Lang, tuloy-tuloy pa rin ang pamimigay nito ng instant regalo sa loyal viewers, katulad na lamang ng dalawang ginang na nag-comment lang ng larawan nila habang nanonood ay nanalo na ng P5,000.

Ang dalawang masuwerteng ginang na winners ng selfie promo ng bagong Wish Ko Lang ay sina Maria Teresa Tacal at Marilou Maslog.

Parehong housewife sina Maria Teresa at Marilou. At dahil pareho silang nakatutok noong Sabado sa Part 1 ng “Kamandag” episode starring Sunshine Cruz at Polo Ravales, pareho silang sinuwerte at nanalo sa selfie promo.

promo winnersSina Maria Teresa Tacal at Marilou Maslog, winners ng selfie promo ng bagong Wish Ko Lang / Source: Wish Ko Lang

Ikaw rin, puwedeng suwertehin at manalo ng instant cash prize. Tumutok lang sa bagong Wish Ko Lang tuwing Sabado at abangan sa official Facebook page kung saan ka dapat mag-comment ng iyong selfie na kitang nanonood ka ng programa.

Ngayong Sabado, October 30, sa Part 2 episode na “Kamandag: The Finale,” malalaman na kung ano ang mangyayari sa physical therapist na si Elaine (Sunshine Cruz) matapos niyang malaman na hindi lang pala siya ang babae sa buhay ng asawang niyang civil engineer na si Miguel (Polo Ravales).

Nadiskubre niya kasi na bukod sa kabit ni Miguel na nahuli niya, ay may isa pa pala itong karelasyon na nagngangalang Rosie (Ina Feleo).

Pero laking gulat ni Elaine nang malamang hindi lang pala basta-bastang karelasyon ni Miguel si Rosie, kung hindi ito pala ang kanyang legal wife at si Elaine pala ay isa lang sa mga naging kabit niya.

Huwag palalampasin ang kaabang-abang na “Kamandag: The Finale” episode ng bagong Wish Ko Lang at ang tsansang manalo ng instant cash prize ngayong Sabado, alas-4 ng hapon sa GMA.

Maaari ring mapanood ng mga Kapuso abroad ang bagong Wish Ko Lang sa GMA Pinoy TV. Para sa program guide, visit www.gmapinoytv.com.