
Sa ikatlong linggo ng 46 Days, unti-unting nagkakaroon ng mga sagabal ang plano nina Celine at Nina na huwag pakasalan ni Doc Kevin si Rizza.
Nagsimula na magsuspetsa si Rizza tungkol kay Nina at sa mga taong nakapaligid kay Doc Kevin, lalo na at meron siyang mga taong nagmamanman sa lalaki. Dito niya nalaman na mayroong nakaraan si Nina at Doc Kevin, at madalas na nagkakatagpo si Celine at Doc Kevin sa ospital na pinagtatrabahuhan nito.
Habang nagbabalak si Rizza laban kina Nina at Celine, abala naman ang dalawa sa panonood sa doctor habang nagtatrabaho kasama ang mga bata. Hindi naman maiwasan ni Nina na mas lalong ma-in love kay Doc Kevin dahil sa galing nitong makisama sa mga bata. Maging si Celine ay humanga sa galing ng doktor.
Naudlot ang plano nina Celine at Nina dahil sa biglang pagpasok sa eksena ni Rizza. Gayunpaman, nakita ng dalawa na hindi perpekto ang samahan nina Doc Kevin at Rizza. Maging ang kaibigan ni Doc Kevin na si Doc Pat ay pinayuhan si Doc Kevin na huwag pilitin ang sarili kung hindi naman niya gusto ang kanyang ginagawa. At sa hindi inaasahang pagkakataon, si Celine pa ang naireto kay Doc Kevin.
Patuloy na abangan ang Lakorn na 46 Days sa GMA, 5:10 p.m.