
Nagsimula nitong December 25 ang 2020 Metro Manila Film Festival sa digital platform na Upstream PH, at kabilang sa mga official entry ang biopic na Suarez: The Healing Priest.
Tampok sa pelikula ang talambuhay at ang mapaghimalang abilidad ng yumaong healing priest na si Father Fernando Suarez, mula sa kanyang kabataan kung kalian niya napagtanto ang kanyang special ability.
Ang award-winning actor na si John Arcilla ang gumanap bilang si Father Suarez.
Matatandaang ang pari mismong pumili kay John para gumanap sa kanyang karakter sa pelikula.
Tampok din sa pelikula sina Alice Dixson, Dante Rivero, Rita Avila, Rosanna Roces, Jairus Aquino, Marlo Mortela, Troy Montero, Richard Quan, Yayo Aguila, Alan Paule, Biboy Ramirez, Patrick Sugui, Jericho Estregan, Maru Delgado, Yñigo Delen, at Jin Macapagal bilang batang Father Suarez.
Bukod sa ito'y pinagbibidahan ng ilang mahuhusay na aktor sa industriya at presentasyon ng buhay ng mapaghimalang pari, pinarangalan din ang Suarez: The Healing Priest ng Gatpuno Antonio J. Villegas Cultural Award sa katatapos lamang na MMFF 2020 Gabi ng Parangal.
Isa sa mga patunay na isang yaman sa sining ang pelikula at hindi dapat palagpasin ang pagkakataong mapanood ito.
Narito pa ang ilang dahilan kung bakit dapat panoorin ang Suarez: The Healing Priest:
Si Father Fernandez Suarez ay nakilala bilang isang mapaghimalang pari na umano'y nakapagpapagaling ng mga maysakit.
Kabilang na sa mga umano'y napagaling niya ay ang isang paralisadong babae sa labas ng Quiapo Church at ang umano'y muling pagkabuhay ng isang Canadian woman na naideklarang wala nang buhay sa loob ng walong oras matapos niyang ipagdasal ito.
Tanyag sa kanyang pagganap bilang ang si General Antonio Luna sa historical biopic film na Heneral Luna, si John Arcilla ay maituturing na isa sa mga pinakamahuhusay na aktor sa local entertainment industry.
Bukod dito, ilang beses nang pinatunayan ng aktor ang kanyang angking galing sa mga natanggap na parangal sa kanyang career.
Ang Gatpuno Antonio J. Villegas Cultural Award ay iginagawa sa mga pelikulang mahusay na nagpapakita ng kultura ng Pilipinas at mga Pilipino at tinanggap ang award na ng Suarez: The Healing Priest sa katatapos lamang na MMFF 2020 Gabi ng Parangal.
Naging kontrobersyal din si Father Suarez dahil sa ilang hindi pagsalungat niya sa mga lider ng Simbahan.
Minsan na rin siyang nasangkot sa umano'y sexual abuse na kinangsakutan ng ilang menor de edad. Ngunit bago pumanaw si Father Suarez, lumabas ang paglilinaw ng Vatican na walang katotohanan ang mga ito.
Tampok sa pelikula ang gift of healing ni Father Suarez ngunit ipinakita rin dito ang ilang mga personal na pinagdaanan at kontrobersiyang kinasangkutan ng pari.
Isa nga bang healer o nagpapanggap lamang si Father Suarez? Panoorin ang pelikula at ikaw na ang humusga.
Samantala, kabilang din sa official entries ng MMFF ngayong taon ang Isa pang Bahaghari, Coming Home, Magikland, Tagpuan, The Missing, Mang Kepweng: Ang Lihim ng Bandanang Itim, Pakboys Takusa, The Boys Foretold by the Stars, at Fan Girl.
Alamin kung paano mapanonood sa streaming service ng Upstream PH ang MMFF entries sa step-by-step guide DITO.
Ang 46th edition ng MMFF ay idinaos online ngayong taon bilang pagsunod sa health and safety protocols laban sa COVID-19.
Nagbukas ang festival noong December 25 at magtatapos sa January 8.
How will the new digital platform affect MMFF 2020?