What's Hot

Shaira Diaz, naka-relate sa ginampanang role sa MMFF entry na 'Coming Home'

By Dianara Alegre
Published December 16, 2020 12:06 PM PHT
Updated December 18, 2020 2:38 PM PHT

Around GMA

Around GMA

NBI searches Cabral's Baguio hotel room
Sarah Discaya, 8 others detained at jail in Mactan, Lapu-Lapu City
Gabbi Garcia reveals PCOS diagnosis, champions body positivity

Article Inside Page


Showbiz News

Shaira Diaz


Hindi inililihim ni Shaira Diaz na iniwan din sila ng kanyang ama, tulad ng kuwentong tampok sa MMFF entry na 'Coming Home.'

Kabilang sa official entries sa Metro Manila Film Festival (MMFF) entry ang pelikulang Coming Home na kinabibilangan ni Lolong actress Shaira Diaz.

Gagampanan ni Shaira rito ang karakter ng isa sa mga anak ng mag-asawang gagampanan nina Sylvia Sanchez at Jinggoy Estrada.

Sa kuwento, iniwan sila ng kanilang ama ngunit bumalik ito nang kailangan na nito ng aruga at pag-aalaga dahil sa masamang kalagayan ng kalusugan nito.

Ayon kay Shaira, naka-relate umano siya dito, lalo na sa role niya dahil pinagdaanan na niya ito.

Ang pinagkaiba lang, hindi na binalikan ng kanyang ama ang kanyang pamilya.

Source: shairadiaz_ (IG)

“Marami akong naging realization na family is family kahit may nagawa pa sa 'yong masama 'yan, kahit may pain na binigay sa 'yo, at the end of the day, we're still family. Tatay mo pa rin siya,” aniya nang makapanayam ng 24 Oras.

Kasama sa cast ng serye sina Edgar Allan Guzman, Martin del Rosario, Julian Estrada, at Luis Hontiveros.

Magsisimula ang MMFF ngayon taon sa Pasko, December 25, hanggang January 7, 2021.

Samantala, sumabak na rin sa maaksyong training sina Shaira kasama si Kapuso hunk Ruru Madrid para sa pagbibidahan nilang action-adventure series ng GMA Public Affairs, ang Lolong.

Nauna nang sumailalim sa virtual training kasama ng isang fight instructor ang dalawa ngunit sa pagkakataong ito ay face-to-face na silang nag-e-ensayo.

Ayon sa 24 Oras report, bahagi ng kanilang training ang totohanang action routines.

“Nakapag-train ako before pero kailangan mong i-refresh talaga. So, I think iyon po talaga 'yung mahirap. Even 'yung flexibility mawawala po talaga 'yan that's why kailangan pong i-workout namin,” ani Ruru.

Aminado rin si Shaira na nahirapan siya sa training.

“'Yung isa rin sa part na nahirapan ako 'yung mga sipa. Dahil hindi nga ako masyadong flexible, nahihirapan po 'yung legs ko na sumipa nang mataas, nawawala po sa balance,” aniya.

A post shared by Shaira Diaz (@shairadiaz_)

Matatandaang naiyak dahil sa labis na tuwa si Shaira nang malamang siya ang gaganap na leading lady ni Ruru sa serye.

“Nahihirapan po ako via Zoom na umarte pero sobrang nagpapasalamat ako sa prod, sa Public Affairs for choosing me,” umiiyak na sabi niya nang makapanayam ni Kapuso reporter Lhar Santiago noong October.

At kahit action-packed at maraming matitinding eksena sa Lolong, sinabi ni Shaira na hindi siya magpapa-double.

“Ganu'n ako ka-excited at kasaya. Seryoso ako na gusto kong ako 'yung gumagawa talaga lalo na 'pag action,” aniya.

Tampok din sa proyekto si Arra San Agustin bilang ang pangalawang leading lady ni Ruru.

Abangan ang Lolong sa GMA.