
Maghanda na para sa isa na namang exciting throwback Thursday episode ng Family Feud!
Ngayong Huwebes, August 28, maghaharap ang female celebrity BFFs from the '90s at ang male ramp models from the '80s sa Family Feud. Sila ay mga action star, movie villain, sex sirens, host, and dancer ng teams Fierce Forties at The Dashing Legends.
Maglalaro sa Fierce Forties ang former SexBomb headliner, Zumba instructor, and mother of two na si Jopay Paguia-Zamora. Makakasama niya sa Family Feud ang mga kumare, ang alluring na si Ynez Veneracion, ang mom to 2-year-old Zapphire na si Zara Lopez, at Mrs. Universe Philippines 2025 na si Kitkat.
Sa The Dashing Legends naman maglalaro ang ramp models turned actors. Magiging leader ng The Dashing Legends si Ronnie Ricketts na isa sa top models circa 1978-1979 at naging action star, director, writer, and producer. Makakasama niya sa team si Ricardo Cepeda na kilala bilang movie villain; si Lito Gruet na bahagi na ngayon ng Cebu-based NGO; at si Bong Regala na isa na ngayong professional fashion photographer.
Saksihan ang pagalingan ng Fierce Forties at The Dashing Legends sa Family Feud, 5:40 p.m. sa GMA.
Ngayong Agosto, uulan ng saya at babaha ng papremyo sa Family Feud kaya subaybayan ang fresh episodes Lunes hanggang Biyernes, 5:40 p.m. sa GMA Network. Mapapanood din ang Family Feud sa GMA Network at Family Feud YouTube channel at sa Family Feud Facebook page.
Sa mga home viewers, huwag kalimutang sumali sa Guess More, Win More promo ng Family Feud para sa pagkakataong manalo ng PhP 10,000 up to PhP 100,000! Panoorin ito para sa paraan ng pagsali sa Guess More, Win More promo: