
Dalawang hosting awards ang tinanggap ni Dingdong Dantes sa ginanap na 38th PMPC Star Awards for Television.
Ang Kapuso Primetime King ay pinarangalan para sa programang Family Feud at Amazing Earth. Ginanap ang awarding ng 38th PMPC Star Awards for Television noong March 23, 2025.
PHOTO SOURCE: Paolo Luciano
Itinanghal si Dingdong na Best Game Show Host para sa Family Feud. Ang Family Feud ay kasalukuyang nagse-celebrate ng kanilang 3rd anniversary ngayong Marso.
Samantala, tinanggap din ni Dingdong ang award na Best Educational Program Host para sa Amazing Earth. Ang Amazing Earth ay naglunsad naman ng kanilang limited special series na "Amazing Earth in the City."
Nagpahayag naman ang Kapuso Primetime King na si Dingdong ng pasasalamat sa 38th PMPC Star Awards for Television at sa mga sumusubaybay sa Family Feud at Amazing Earth sa kaniyang Instagram account.
"Salamat, PMPC, sa pagkilalang ito.
"Sa Family Feud, naibabahagi natin ang aliw at tuwa. Sa Amazing Earth, naipadarama ang paghanga sa hiwaga ng kalikasan. Magkaibang palabas, iisang layunin: maghatid ng saya, kaalaman, at pag-asa.
Ang sabi ng survey… kayo, mga manonood, ang tunay na inspirasyon.
Para sa inyo ang bawat kwento, bawat lakad, bawat tanong at sagot. Kaya't tuloy ang saya, tuloy ang paglalakbay--
Dahil habang kayo'y nanonood, kami'y patuloy na maglilingkod."
Pinarangalan din sa 38th PMPC Star Awards for Television ang GMA Network ng Best TV Station of the Year. Nakakuha rin ng award ang Pepito Manaloto, Unang Hirit, Kapuso Mo, Jessica Soho, at marami pang iba.