
Isang Throwback Thursday episode ang ating masasaksihan dahil bibisita ang dalawang '90s stars sa Family Feud.
Ngayong July 24, maglalaro ang T.G.I.S co-star ni Dingdong Dantes na si Dino Guevarra at ang former child star turned martial artist na si Michael Roy Jornales.
Ang tatayong leader ng Guevarra Family ay ang padre de pamilya, former '90s heartthrob, at Vice President for Vertical Sales and Operations, at Head ng Leasing Management Group ng isang private company na si Dino.
Makakasama ni Dino sa team ang kaniyang mga anak. Ang bunsong si Joaquin Bryan Ross, graduating Grade 12 student na nagtatrabaho bilang Community and Social Data Manager para sa AI-oriented company sa United States; ang kaniyang middle son na si Miguel Angelo “Migz” Gonzalez na nagtapos ng B.S. in Agricultural and Applied Economics sa U.P. Los Baños; at ang panganay na si Ethan Gonzalez na member ng Legit Status, ang Pinoy dance group na naka-first place sa Megacrew Division of World Hip Hop International 2023 sa Phoenix, Arizona. Isa na rin siyang entrepreneur na may dealership ng imported motorcycles.
Si Michael na fight director ng Sanggang Dikit FR, aktor, martial artist, at stunt choreographer ang mamumuno sa team na Jornales Family.
Sasamahan si Michael ng kaniyang asawa na si Jem; ang up-and-coming Sparkle actor na gumanap na kapatid Jillian Ward sa Mga Batang Riles, avid martial artist, at may hobbies na guitar playing, songwriting, skateboarding, at riding dirt bikes na si Heath; at ang dancer at social media specialist sa isang chocolate factory na si Heather.
Magwawagi ba ang four male Guevarras o ang dad-and-son martial artists plus mom and daughter ng Jornales family? Tutukan ang exciting na laban ng Guevarra Family at Jornales Family ngayong July 24 sa Family Feud!
“Happiness Overload” ang hatid ng Family Feud kaya subaybayan ang fresh episodes Lunes hanggang Biyernes, 5:40 p.m. sa GMA Network. Mapapanood din ang Family Feud sa GMA Network at Family Feud YouTube channel at sa Family Feud Facebook page.
Para sa home viewers, huwag kalimutang sumali sa Guess to Win promo ng Family Feud para sa pagkakataong manalo ng PhP 20,000.