
Mga Kapuso, handa na ba kayo sa tensiyonado at nakakakabang umaga?
Simula ngayong Pebrero, mapapanood na ang sikat na 2022 Japanese thriller series na Master's Daughter.
Pinagbibidahan ito ng Japanese actress na si Kayashima Mizuki. Makakasama niya rito sina Fujiwara Taiyu, Toyoshima Hana, Riko, Oguri Yui, Ikeda Yuto, Kondo Koen, at marami pang iba.
Ano-ano ang mga sikretong mabubunyag?
At sino-sino ang makakaligtas sa panganib na dala ng transferee na ito?
Abangan lahat ng iyan sa Master's Daughter, simula Lunes, February 16, 2026, 11:25 a.m., sa GTV.