
Magsisimula na ang mga mas matitinding tagpo sa pinag-uusapang drama sa hapon na Artikulo 247.
Manginginig sa takot si Jane (Rhian Ramos) nang makita na ang babaeng pakakasalan ng kapatid ni Noah (Benjamin Alves) na si Elijah (Mark Herras) ay ang babaeng sumira sa kanyang buhay noon na si Klaire (Kris Bernal) na ngayon ay nagpapanggap bilang si Carmen.
Ang buong akala ni Jane noong una ay guni-guni niya lamang nang makita niya si Klaire. Ngunit sa mismong araw ng kasal nina Elijah at Carmen ay makukumpirma niya na ang kanyang nakitang babae sa hotel ay talagang si Klaire.
Pigilan kaya ni Jane ang kasal o magpapalamon lamang siya sa takot at pagdududa kay Carmen?
'Yan ang dapat abangan sa Artikulo 247, weekdays, 4:15 ng hapon sa GMA.
Samantala, narito at panoorin ang teaser ng inaabangang episode ng Artikulo 247 mamaya.