GMA Logo Jose and Maria s Bonggang Villa
Source: Netflix & GMA Network
What's on TV

ABANGAN: Bonggang-bonggang comeback mangyayari na this 2024!

By Aedrianne Acar
Published December 21, 2023 3:34 PM PHT

Around GMA

Around GMA

Robots dance, clean, and rescue toy cats at expo in Japan
Dawn Zulueta opens up on navigating menopause with grace and confidence
Torres game-winner saves Benilde, forces semis do-or-die versus SBUĀ 

Article Inside Page


Showbiz News

Jose and Maria s Bonggang Villa


Ring in the New Year na punong-puno ng good vibes, dahil mangyayari na ang bonggang-bonggang comeback ng well-loved sitcom na pinagbibidahan nina Kapuso Primetime King Dingdong Dantes at Kapuso Primetime Queen Marian Rivera.

On the way na ang bonggang comeback na pinakahihintay ninyo, mga Kapuso!

Sa pagdating ng Bagong Taon, handa na uli ang showbiz power couple na sina Dingdong Dantes at Marian Rivera na maghatid ng kilig at good vibes with the new season of the well-loved comedy show Jose and Maria's Bonggang Villa.

Sigurado ang bonggang tawanan kasama ang all-star cast na sina Pinky Amador, Johnny Revilla, Shamaine Buencamino, Benjie Paras, Hershey Neri, Loujude Gonzales, at Mike “Pekto” Nacua.

Bukod sa trending at mataas na TV ratings na nakuha ng show noong season one, pasok din ang Jose and Maria's Bonggang Villa sa most-watched TV series sa streaming platform na Netflix Philippines.

Sa exclusive interview ng GMANetwork.com sa DongYan, kita sa kanilang mga ngiti na sulit ang lahat ng naging pagod nila para makapagbigay ng isang quality sitcom sa mga manonood.

Lahad ng Kapuso Primetime King, “Nakakakilig na makita siya sa Netflix. And mas nakakatuwa dahil, talagang paborito siya ng mga anak namin [Zia and Sixto] ilang beses na nila napanood 'yung buong season paulit-ulit! Memorize na nila 'yung characters.”

Sinegundahan naman ito ni Marian na sinabing: “Hindi lang pati character, pati mga lines. Memorize na nila.”

Dagdag pa ni Dingdong na magsusumikap sila ng buong team ng Jose and Maria's Bonggang Villa na pantayan o higitan ang nagawa nila sa first season.

Aniya, “Very kid-friendly siya, napakaganda ng kuwento. Feel good [at] good vibes talaga, kaya sana ganu'n din ang mangyari sa ating susunod na season.”

For more exclusive content and news about season two of Jose and Maria's Bonggang Villa, visit GMANetwork.com.