
Sa lock-in taping ng Legal Wives, nakipagkulitan ang miyembro ng The Cray Crew na si Abdul Rahman sa kanyang co-stars na sina Tommy Abuel, Cherie Gil, at Shayne Sava.
Pinapili lang ni Abdul sina Tommy, Cherie, at Shayne sa dalawang bagay tulad ng 'Netflix o Tiktok,' o 'Brad Pitt o Leonardo DiCaprio.'
Pagdating kay Shayne, may isang tanong si Abdul na ikinagulat ng kanyang ka-love team.
Tanong ni Abdul, "Ako... o ako?"
Hindi agad nakasagot si Shayne kaya inulit ni Abdul ang kanyang tanong.
"Ako o ako?"
Ano kaya ang magiging sagot ni Shayne? Panoorin ang nakakatuwang interview ni Abdul sa kanyang co-stars dito:
Silipin ang magandang location ng lock-in taping ng Legal Wives dito: