
Hindi rin daw naging madali para kay Kapuso actor and StarStruck season 7 alum Abdul Raman ang taong 2020.
Dahil kasi sa pandemic, ilang mga career opportunities ang nawala sa kanya.
"'Yung sa simula pa lang ng 2020, everything was going good [for me]. I had 'AOS (All Out Sundays).' Ang dami kong guestings. I even had a movie na parang gustong ibigay sa akin. Pero it didn't get through kasi nga pandemic hit. 'Legal Wives' was coming," kuwento niya sa Kapuso Brigade Zoomustahan.
Hindi daw niya mapigilang manghinayang sa mga bagay maaari pa sana niyang magawa ngayong taon.
"Ang nangyari, it's like the whole year was wasted and parang 'yung momentum lang namin as StarStruck alumni, huminto lang so sayang," aniya.
Ito daw ang dahilan kung bakit nakaramdam siya ng depresyon nitong quarantine.
"I'm gonna be honest with you, nagka-depression talaga ko this pandemic. Parang gumuho talaga mundo ko when I lost all those shows. And sunod sunod pa, parang downhill talaga siya," pahayag ni Abdul,
Gayunpaman, nais daw ni Abdul na manatiling positibo.
"I wanna keep a positive outlook on 2021. Unang una, I'll work on my body again kasi medyo pumayat talaga 'ko. I wanna have a positive outlook, especially on my career," bahagi niya.
"Now that nagpi-pick na 'yung pace [ng trabaho] ulit, tumataas na ulit, I'm so happy," dagdag pa ni Abdul.
Tumibay din ang kanyang pananamapalataya dahil sa mga karanasan sa taong 2020.
"Basta trust in God. Pagka na-hit mo 'yung rock bottom, 'yung pinaka baba, hindi ka naman magi-stay diyan forever. God will help you. Just stay positive," payo niya.
Bahagi ni Abdul ng upcoming cultural drama series na Legal Wives.
Kuwento ito ng kakaibang pamilya kung saan ang isang lalaking Maranaw ay may tatlong asawa na pinakasalan niya dahil sa magkakaibang rason.
Tampok dito sina Kapuso Drama King Dennis Trillo, Alice Dixson, Andrea Torres, Bianca Umali, Cherie Gil, Al Tantay at marami pang iba.
Makakapares naman ni Abdul sa serye ang StarStruck batchmate at season 7 Ultimate Female Survivor na si Shane Sava.