
Sa katatapos lang na SpARkle 101 Professionalism and Work Ethic Workshop na pinangunahan ni Alden Richards, tila mas humanga ang new Sparkle artists sa tinaguriang Asia's Multimedia Star.
Isa sa kanila ay ang Raising Mamay young actor na si Abdul Raman na dati nang umiidolo kay Alden.
Pagbabahagi ni Abdul, “It's really nice na nagkaroon kami ng ganitong moment na intimate as artists… After this talk, mas naging idol ko siya (Alden), mas na-inspire ako sa kaniya. Truthfully to his words, he really inspired everybody in the room kasi natanong ko rin sa kanila, marami rin silang napulot from Sir Alden… Knowing na same kami ng goal sa pag-inspire, it makes me happy.”
Isa pa sa ibinahagi ng Sparkle artist ay minsan na raw niyang nakausap ang Start-Up Ph lead actor sa isang show sa GMA at hinangaan niya rin ang pagiging humble nito.
Kasalukuyang napapanood si Abdul sa Raising Mamay, kung saan kasama niya rito ang kaniyang ka-love team na si Shayne Sava at ang Kapuso Comedy Queen AiAi Delas Alas.
Kabilang rin ang young actor sa Sparkle Sweethearts na binubuo ng limang bagong love team na kinakikiligan ngayon ng mga Kapuso.
SAMANTALA, KILALANIN ANG SPARKLE SWEETHEARTS SA GALLERY NA ITO: