GMA Logo Abdul Raman
Source: aboodyboi (IG)
What's on TV

Abdul Raman, naging inspirasyon ang ina para sa role sa 'Raising Mamay'

By Jansen Ramos
Published July 1, 2022 2:33 PM PHT

Around GMA

Around GMA

Celebrity breakups that shocked the nation in 2025
Girl rescued, hostage-taker killed in Marawi City

Article Inside Page


Showbiz News

Abdul Raman


Humuhugot ng lakas ang 'Raising Mamay' at 'Tols' actor na si Abdul Raman sa ina niyang na-stroke noong nakaraang taon kaya todo kayod siya sa pagtatrabaho.

Isa sa mga rason kaya pursigidong magtrabaho ang Kapuso actor na si Abdul Raman ay dahil sa kanyang inang na-stroke.

Mag-iisang taon na rin noong dumulog si Abdul sa social media para mangalap ng tulong para sa kanyang ina matapos itong magkaroon ng blood clot sa ulo.

Kinailangan itong operahin kaya ibinenta ng aktor ang ilan niyang gamit para makatulong sa hospital bills ng kanyang Mama.

Sa ngayon, maayos ang lagay ng kanyang ina na naging inspirasyon niya sa kanyang role sa GMA Afternoon Prime series na Raising Mamay.

"Ang dami po do'ng eksena na hinugutan ko po si Mama," bahagi ni Abdul sa virtual interview ng GMANetwork.com noong Huwebes, June 30.

Marami raw siyang natutunan mula noong nagkasakit ang kanyang ina.

"Perseverance, trying to stay hopeful talaga. Todo hard work and do'n talaga 'ko persistent na always pushing myself to edge. 'Yun po talaga 'yung mga natutunan ko, patience din, sobra, lots of it."

Malapit sa puso ni Abdul ang kanyang character na si Paolo sa Raising Mamay dahil naging kaibigan ito ni Letty, na may regressive behavioral disorder.

Sa serye, si Paolo ang itinuturing ni Letty na "Prince Charming" dahil sa ipinakitang kabaitan ng binata.

Ayon kay Abdul, namangha siya sa dedikasyon ni Aiai Delas Alas na gumaganap sa papel na Letty, lalo pa at napaka-complex ng role nito.

Ani Abdul, "Ang cute niya, in character na siya sa umaga pa lang so sobrang masaya kasama si Ms. Ai. Most definitely, 'yung natutunan ko sa kanya 'yung dedication niya work, it really goes a long way."

Bukod sa little friendship nila ng batikang aktres sa serye, ipinagpapasalamat din ni Abdul na mas naha-highlight ang kanyang acting at ang tandem nila ng onscreen partner niyang si Shayne Sava sa Raising Mamay.

"Masaya naman, mas nabigyan ng light 'yung tandem namin and mas na-enjoy ko 'yung longer exposure time dito sa Raising Mamay and very happy ako, kasi based from what I heard, maganda 'yung feedback sa 'kin, sa 'min sa love team. Sa acting ko naman, sabi mas relaxing daw ako so nakakatuwa."

Hindi man siya nagwagi sa seventh edition ng reality-based artista search na StarStruck na ipinalabas noong 2019, nakabingwit ng magagandang proyekto si Abdul gaya ng 2021 cultural primetime series na Legal Wives. Bukod sa Raising Mamay, kasalukuyan ding umeere ang bago niyang show na Tols, isang sitcom na napapanood sa GTV.

Tanong namin, ano nga ba ang edge ni Abdul sa mga kasabayan niyang pumasok ng showbiz?

Sagot niya, "Hashtag blessed. Wala po akong maisip siguro mas persistent ako na i-prove ko talaga 'yung sarili ko. I always push myself to the edge."

Ikalawang full-length series ni Abdul ang Raising Mamay matapos sumali sa StarStruck kung saan ka-batch niya ang love team partner na si Shayne at si Ella Cristofani, na parte rin ng cast ng soap opera.

Silipin dito ang ilang behind-the-scenes photos ng Raising Mamay:

Mapapanood ang Raising Mamay weekdays at 3:25 p.m. sa GMA. Maaari ring mapanood ang full epsiodes ng serye sa GMANetwork.com o GMA Network app.

Ang Raising Mamay ay mula sa direksyon ni Don Michael Perez.