GMA Logo Abdul Raman
What's on TV

Abdul Raman sa tukso ng bisyo: 'Maraming nag-aalok sa akin, I just simply say no'

By Jimboy Napoles
Published June 2, 2023 6:50 PM PHT
Updated June 3, 2023 8:16 AM PHT

Around GMA

Around GMA

NBA: Stephen Curry propels Warriors over Nets
Dagan sa Panahon Sayran nato Karong Adlawa December 29, 2025 | Balitang Bisdak
The most controversial stories of 2025

Article Inside Page


Showbiz News

Abdul Raman


Ibinahagi ni Abdul Raman sa 'Fast Talk with Boy Abunda' kung paano siya umiiwas sa bisyo at peer pressure.

Inamin ng Sparkle actor na si Abdul Raman na malakas pa rin ang peer pressure sa kaniyang buhay lalo na sa kaniyang edad pero may paraan siya upang labanan ito.

Sa Fast Talk with Boy Abunda, game na sumalang sa isang back-to-back interview si Abdul kasama ang kaniyang on-screen partner na si Shayne Sava.

Sa kanilang panayam kasama ang batikang host na si Boy Abunda, pinag-usapan nila ang epekto ng peer pressure at tukso sa paggamit ng alcohol, drugs, at sigarilyo lalo na sa mga kabataan.

Dito ibinahagi ni Abdul na kahit sumasama siya sa mga lakad ng barkada, nananatili sa kaniya ang kautusan ng kanilang relihiyon bilang isang Muslim.

Aniya, “Ako po kasi as a Muslim, alcohol, drugs, and somewhat cigarettes are very no, no, po 'yan para sa akin.”

“I've been to hangouts na maraming alcoholic drinks, on the table, maraming nag-aalok sa akin…I just simply say no,” dagdag pa ni Abdul.

Ayon sa binatang aktor, bukod sa relihiyon, disiplina sa sarili ang kaniyang pinapairal upang makaiwas sa bisyo.

Aniya, “People, nilalabag 'yung religion nila all the time pero if I apply it to myself na ito 'yung lifestyle ko na I do not want to get involved in, hindi ko naman kayang labagin 'yung sarili ko e.”

Samantala, mapapanood naman sina Abdul at Shayne sa GMA Afternoon Prime series na AraBella.

Patuloy naman na tumutok sa Fast Talk with Boy Abunda pagkatapos ng The Seed of Love sa GMA Afternoon Prime via television broadcast sa GMA at sa iba pang digital platforms.

MAS KILALANIN ANG SPARKLE ACTOR NA SI ABDUL RAMAN SA GALLERY NA ITO: