
Marahil isa si Dennis Trillo sa mga hindi malilimutang nakatrabaho ni Abdul Raman dahil sa ginawang pagtulong ng una noong nangailangan ang binatang aktor.
Ayon kay Abdul, isa ang Maria Clara at Ibarra actor sa mga nagbigay ng tulong pinansyal noong na-stroke ang kanyang ina. Nagkasama noon sina Dennis at Abdul sa GMA Telebabad series na Legal Wives.
“I assume na nakita n'ya yung post ko, nag-text po siya, 'Hey, Abdul, how are you? I'm gonna be sending X amount,'” paglalahad ni Abdul nang ikuwento niya ang ginawang pagtulong ng mahusay na aktor.
Nakausap ng GMANetwork.com at iba pang piling media si Abdul sa grand opening ng Artista Salon sa Sosyal Place sa Lipa, Batangas nitong Martes, February 14.
Matatandaan na noong 2021, humingi ng tulong pinansyal si Abdul para sa kanyang inang na-stroke sa pamamagitan ng social media.
Patuloy na kwento ni Abdul tungkol sa pagmamabuting loob ni Dennis, “It was when ginamit ko na po lahat ng buong savings and nagamit na po yung donations sa mom ko for hospital bills. It was this time na sobrang gipit ako... 'Tapos, 'yon nagpadala siya just for me. So, parang hanggang ngayon thankful pa rin po ako kasi kung wala po siya, I think, hindi ko po kinaya.”
Sa ngayon, malaki pa rin ang pasasalamat ni Abdul kay Dennis. Sa katunayan, kinuha niya ang pagkakataong pasalamatan muli si Dennis sa kanyang kagandang loob.
Ani Abdul, “Right now, hindi ko na po kasi siya masyadong mine-message kasi nahihiya ako. Kung meron man po akong gustong sabihin sa kanya, it's sobra-sobrang thankful po ako sa inyo, Kuya Dennis. I'm really, really proud na nakasama ko po. I'm so, so happy sa bago n'yong show, ang [Maria Clara at Ibarra], sobrang galing n'yo po.”
Nabanggit din ng Sparkle artist ang isa sa mga napag-usapan nila noon ni Dennis sa set ng Legal Wives.
Aniya, “May mga times na nagka-heart-to-heart talk kami. And ang sinabi ko sa kanya was, 'I really, really wanna be successful. I wanna become someone na kaya kong ipagmalaki ang sarili ko, someone I wanna be proud of. 'Yan ang mga ambition ko dati. Noong na-realize ko na kapag hindi ko na kailangang sabihin 'yon, that's when I know na successful na ako.”
Dahil daw dito, isa sa mga inspirasyon niya ngayon si Dennis, na hiniling din niya na sana ay makatrabaho niyang muli.
“I hope magka-project po ulit kami together. Sobrang special po sa akin si Kuya Dennis kasi naging inspiration ko rin siya to keep moving forward,”pagtatapos ni Abdul.
Mapapanood si Abdul sa upcoming GMA Afternoon Prime series na AraBella.
SAMANTALA, KILALANIN PA SI ABDUL RAMAN SA GALLERY NA ITO: