What's Hot

Abogado ni Rufa Mae Quinto, nagsalita tungkol sa warrant of arrest ng aktres

By Kristine Kang
Published December 3, 2024 11:20 AM PHT

Around GMA

Around GMA

EDSA rehab begins Dec. 24
2 hurt as truck falls into ravine in Zamboanga City
Christmas gift ideas for your girl besties

Article Inside Page


Showbiz News

rufa mae quinto


Paglilinaw ni Atty. Mary Louise Reyes tungkol sa kaso ni Rufa Mae Quinto: 'Isa din siya sa mga naging biktima nito.'

Nagsalita na ang panig ni Rufa Mae Quinto tungkol sa natanggap niyang warrant of arrest, kaugnay umano sa investments scam ng isang beauty clinic na kanyang ineendorso.

Ayon sa abogado ng komedyante na si Atty. Mary Louise Reyes, biktima lang din daw si Rufa sa kaparehong reklamo na isinampa sa aktres na si Neri Naig.

Humaharap si Rufa sa umano 14 counts of violation of Section 8 ng Securities Regulation Code na patungkol sa kawalan niya ng karapatan na magbenta ng shares at mangalap ng mamumuhunan sa negosyo.

Pero nilinaw ni Atty. Reyes na walang kasong large-scale estafa na kinakaharap si Rufa Mae.

"She will face those charges... mag-voluntary surrender siya and magpo-post po kami ng bail for that. She's worried kasi hindi naman totoo 'yung allegations kasi my client po is just a brand ambassador, a model-endorser," paliwanag ni Atty. Mary Louise.

"Kung tutuusin, isa din siya sa mga naging biktima nito. Hindi siya 'yung naging biktima nu'ng pang-i-scam but she was a victim in a sense na kinuha siyang model endorser, ni hindi sa kaniya nakapagbayad ng downpayment, tapos 'yung mga tseke po puro tumalbog. Lahat po 'yan hawak naman po namin 'yung ebidensya, ipe-present naming sa court," dagdag pa ng abogado.

Sinabi rin nito na ikinukonsidera ni Rufa Mae na magsampa rin kaso.

A post shared by Sparkle GMA Artist Center (@sparklegmaartistcenter)

Kahapon lang din kinumpirma ng talent manager ni Rufa Mae na si Boy Abunda ang tungkol sa natanggap nitong warrant of arrest. Hindi napigilang magsalita ng King of Talk hinggil sa pagkakadamay ng pangalan ng kanyang alaga, gayundin ng People's Champ na si Manny Pacquiao na franchisee/brand ambassador ng nasabing beauty clinic noong 2022.

"I am alarmed as a member of this industry and as a manager. Para bang gusto kong balikan lahat ng kontrata. Ang endorser ba ay salesman? 'Pag sinabi ko pong bumili ho kayo ng donuts na ito, ano ba ang aking responsibilidad?

"Sa aking pagkakaunawa bilang manager, ang nagwa-warrant po sa publiko na ang produkto ay maganda, [at kung] matino ang serbisyo ay ang may-ari ng kompanya. Ang endorser ay maniniwala lamang doon sa sinasabi ng may-ari."

Ang nasabing investments scam din ang nagdawit kay Neri Naig na inaresto sa Pasay City para sa paglabag sa Section 8 ng Republic Act No. 8799 na kilala rin bilang Securities Regulation Code.

Samantala, tingnan sa gallery na ito kung sinong celebtities at showbiz personalities pa ang nagamit ang pangalan para mangikil ng pera sa publiko: