Rufa Mae Quinto, biktima lang din ng investment scam; kumpirmadong nakatanggap ng warrant of arrest

GMA Logo Rufa Mae Quinto, Boy Abunda
Photo Source: rufamaequinto (Instagram)

Photo Inside Page


Photos

Rufa Mae Quinto, Boy Abunda



Kinumpirma mismo ng talent manager ni Rufa Mae Quinto na si Boy Abunda na nakatanggap ng mga warrant of arrest ang komedyante, kaugnay umano sa investments scam ng isang beauty clinic na kanyang ineendorso.

Sa show na Fast Talk with Boy Abunda ngayong Lunes, December 2, hindi napigilang magsalita ng King of Talk hinggil sa pagkakadamay ng pangalan ng kanyang alaga.

Ani Boy, "I am alarmed as a member of this industry and as a manager. Para bang gusto kong balikan lahat ng kontrata. Ang endorser ba ay salesman? 'Pag sinabi ko pong bumili ho kayo ng donuts na ito... ano ba ang aking responsibilidad?

"Sa aking pagkakaunawa bilang manager, ang nagwa-warrant po sa publiko na ang produkto ay maganda, ay matino ang serbisyo ay ang may-ari ng kompanya."

Dagdag niya, "Ang endorser ay maniniwala lamang doon sa sinasabi ng may-ari."

Ayon sa batikang TV host at talent manager, wake up call ito para sa mga kapwa niya talent manager at sa mga artista na usisaing mabuti ang mga nakalahad sa kontrata na pagkakasunduan nila at ng mga kumpanya.

Patuloy ng King of Talk, "It's a very complicated case pero palaisipan po ito. I think the industry as a whole we should be studying our contracts more at kaninong responsibilidad ba ito.

Diin pa niya, "Naghikayat ako bumili ka ng bahay, naghikayat akong bumili ka ng condo. Saan nag-uumpisa at nagtatapos ang responsibilidad? Do I own the company? Am I liable kung, halimbawa, hindi masyadong kagandahan? But I have so many questions. I know that the case is in court."

Ang nasabing investments scam din ang nagdawit sa aktres at businesswoman na si Neri Naig na inaresto sa Pasay City para sa paglabag sa Section 8 ng Republic Act No. 8799 na kilala rin bilang Securities Regulation Code.

Dugtong ni Boy, "Isa pang point of interest kung paano kaya nakonekta itong sila Neri, itong sila Rufa Mae doon sa kaso ng piskalya. It's really interesting na dapat marami tayong matutunan bilang members of the industry, lalo ang mga artist at mga manager but that's for another episode. Eto po 'yung aking nararamdaman kaya hindi ko po napigilan na hindi magsalita."

Samantala, nilinaw naman ng King of Talk na ang talent lang niyang si Rufa Mae ang kinukumpirma niyang may warrants of arrest.

Noong Lunes ng gabi, naglabas ng official statement ang legal counsel ni Rufa Mae at sinabing boluntaryong susuko ang aktres at nanindigang biktima lang din ang kanyang kliyente.

"She will face those charges... mag-voluntary surrender siya and magpo-post po kami ng bail for that. She's worried kasi hindi naman totoo 'yung allegations kasi my client po is just a brand ambassador, a model-endorser," Atty. Mary Louise Reyes stated.

RELATED CONTENT: Celebrities na nagamit ang pangalan para makapang-scam


Sanya Lopez
Scam alert
Warning
Kyline Alcantara
Fraudulent messages
Do not respond
Max Collins
Block the number
Ysabel Ortega
Do not respond or engage
Direk Mark Reyes
Scammer alert

Around GMA

Around GMA

'One Battle After Another' leads Hollywood's Golden Globe nominations
6 hurt in 'festi-brawl' in Roxas City, Capiz
A festive beauty pop-up opens in the South just in time for the holidays