
Isang matapang na Analyn (Jillian Ward) ang mapapanood sa bagong episode ng GMA's top-rating medical drama series na Abot-Kamay Na Pangarap.
Tampok ngayong Martes, October 3, ang pagsugod ni Analyn sa APEX Medical Hospital.
Habang si Zoey (Kazel Kinouchi) ay nagpapaliwanag kay Doc RJ (Richard Yap), biglang darating si Analyn.
Kaabang-abang kung paano harap-harapang sasabihin ni Analyn sa kanyang ama na si Doc RJ ang kanyang narinig mula kina Zoey at Moira (Pinky Amador).
Matapang na magsasalita si Analyn at tila hindi na niya iintindihin pa kung ano ang maaaring maramdaman ni Zoey.
Bago pa ito, pupuntahan muna ni Analyn ang kanyang ina na si Lyneth (Carmina Villarroel) upang sabihin ang kanyang nalaman tungkol sa tunay na nangyari kay Doc RJ.
Sa previous episodes, napanood na naloko si Lyneth ng isang lalaki nang magbigay ang huli ng pekeng cellphone sa kanya.
Kay Moira napunta ang cellphone ni Doc RJ kung saan naka-save ang isang mahalagang video.
Kasunod nito, inasikaso naman ni Doc RJ ang hard drive na nakuha niya sa mga gamit ni Zoey.
Narito ang ilang pasilip sa episode na ipapalabas sa susunod na episode ng serye:
Patuloy na tumutok sa pinag-uusapang serye na Abot-Kamay Na Pangarap, mapapanood tuwing Lunes hanggang Sabado, 2:30 p.m., sa GMA Afternoon Prime.
Maaari ring mapanood ang programa online via Kapuso Stream.
Maaaring balikan ang iba pang episodes ng serye rito: