GMA Logo Jillian Ward
What's on TV

Abot-Kamay Na Pangarap: Batang tinusok ng lapis sa tenga, isinugod sa APEX

By EJ Chua
Published March 15, 2023 6:52 PM PHT

Around GMA

Around GMA

Magna Carta of Filipino Seafarers: What It Means for Those Who Live Life at Sea
US State Department expands visa restriction policy in Western Hemisphere
GMA Kapuso Foundation, namahagi ng tulong sa mga apektado ng mahal na langis sa Mt. Province sa ilalim ng Operation Bayanihan Project | 24 Oras

Article Inside Page


Showbiz News

Jillian Ward


May bagong pasyente ang young at genius doctor na si Dra. Analyn Santos!

Sa hit GMA afternoon drama series na Abot-Kamay Na Pangarap, mayroong bagong pasyente ang genius at pinakabatang doktor sa bansa na si Dra. Analyn Santos (Jillian Ward).

Habang ang kanyang ama na si Doc RJ (Richard Yap) ay nagpapalakas pa, si Analyn naman ay abala na ulit sa pag-aasikaso sa mga pasyente sa APEX Medical Hospital.

Sa episode ng serye na ipinalabas ngayong araw, March 15, isang batang tinusok ng lapis sa tenga ang bagong pasyente ng batang doktor.

Nang makita ni Analyn ang kalagayan ng bata, agad niyang binilinan ang kanyang mga kasama sa APEX kung anu-ano ang dapat nilang gawin para sa kanilang pasyente.

Kinausap ni Analyn ang nanay ng pasyente at ipinaalam niya rito na posibleng nabutas ang eardrum ng kanyang anak.

Dahil sa galit ng nanay sa batang nakatusok ng lapis sa kanyang anak, nasabihan niya si Analyn na pakialamera raw ang doktor.

Nang marinig ito ng mga kaibigan at katrabaho ni Analyn, agad nilang ipinagtanggol ang batang doktor.

Panoorin ang eksenang ito:

Magagamot kaya ni Analyn ang bago niyang pasyente?

Huwag palampasin ang susunod pang mga pasabog na eksena sa hit GMA inspirational-medical drama series, mapapanood tuwing Lunes hanggang Sabado, 2:30 p.m., sa GMA Afternoon Prime.

Mapapanood din ang programa via Kapuso Stream.

Maaaring balikan ang iba pang episodes ng serye rito:

SILIPIN ANG KULITAN AT BONDING MOMENTS NG ABOT-KAMAY NA PANGARAP CAST SA GALLERY SA IBABA: