GMA Logo Jillian Ward, Carmina Villarroel, Allen Dizon, Abot Kamay Na Pangarap
What's on TV

Abot-Kamay Na Pangarap: Carlos, sasaktan si Lyneth sa harap ni Analyn?

By EJ Chua
Published February 3, 2024 10:43 AM PHT
Updated February 3, 2024 11:23 AM PHT

Around GMA

Around GMA

PBA: San Miguel escapes NLEX, advances to Philippine Cup semis
Dagan sa Panahon Sayran nato Karong Adlawa December 25, 2025 | Balitang Bisdak
New season of 'The Boyfriend' airs in January 2026

Article Inside Page


Showbiz News

Jillian Ward, Carmina Villarroel, Allen Dizon, Abot Kamay Na Pangarap


Maipagtanggol kaya ni Analyn ang kanyang ina na si Lyneth laban kay Carlos? Abangan sa 'Abot-Kamay Na Pangarap.'

Kabilang si Doc Carlos sa mga karakter sa Abot-Kamay Na Pangarap na pinanggigigilan ngayon ng viewers at fans ng serye.

Ang actor-model na si Allen Dizon ang gumaganap bilang Doc Carlos, ang asawa ni Lyneth (Carmina Villarroel).

Sa previous episodes ng serye, natunghayan na dahil sa pagseselos kay Doc RJ (Richard Yap), mas nakita ni Lyneth ang tunay na ugali ng kanyang asawa.

Matatandaan na nasugatan siya noon matapos siyang batuhin ni Carlos ng isang babasagin na baso.

Nang makita ni Analyn (Jillian Ward) ang kanyang sugat, nagsinungaling si Lyneth tungkol dito.

Sa bagong episode ng hit GMA series, mapapanood ang muling pagtatalo nina Lyneth at Carlos.

Maaabutan sila ni Analyn at masasaksihan ng batang doktor ang hindi tamang pagtrato ni Carlos sa kanyang ina na si Lyneth.

Ano kaya ang gagawin ni Analyn?

Samantala, bukod sa pagiging asawa ni Lyneth, si Carlos din ang tunay na ama ni Zoey (Kazel Kinouchi) at stepfather ni Analyn (Jillian Ward).

Patuloy na tumutok sa pinag-uusapang serye tuwing hapon, ang Abot-Kamay Na Pangarap.

Mapapanood ito tuwing Lunes hanggang Sabado, 2:30 p.m., sa GMA Afternoon Prime.

Maaari ring mapanood ang programa online via Kapuso Stream.

Maaaring balikan ang iba pang episodes ng serye rito: