GMA Logo Richard Yap, Allen Dizon, Ken Chan
Courtesy: GMA Network
What's on TV

Abot-Kamay Na Pangarap: Carlos, uunahan si Moira sa pag-amin?

By EJ Chua
Published October 10, 2023 12:55 PM PHT

Around GMA

Around GMA

Amihan, easterlies to bring rain, cloudy skies over parts of PH
Alleged DI member wanted for murder, frustrated murder killed in clash
Heart Evangelista is cool and chic in baggy pants

Article Inside Page


Showbiz News

Richard Yap, Allen Dizon, Ken Chan


Sasabihin na ba ni Doc Carlos kay Doc RJ na siya ang tunay na ama ni Zoey? Abangan sa 'Abot-Kamay Na Pangarap.'

Sunod-sunod na mga kapana-panabik na mga tagpo ang matutunghayan sa GMA's top-rating drama series na Abot-Kamay Na Pangarap.

Mapapanood ang ilang mga eksena ng aktor na si Allen Dizon bilang si Doc Carlos Benitez sa serye.

Sa bagong episodes ng serye, magkakausap sina Doc Carlos at Doc Lyndon (Ken Chan).

Matapos iligtas ni Doc Carlos si Doc Lyndon, tila mas naging malapit sila sa isa't isa.

Kahit alam ng huli ang sikreto ng una, hindi niya siniraan o pinangunahan ito sa kanyang mga desisyon.

Ngayong Martes, kukumbinsihin ni Doc Lyndon si Doc Carlos na sabihin na kay Doc RJ (Richard Yap) na ang una ang tunay na ama ni Zoey (Kazel Kinouchi).

Habang si Moira (Pinky Amador) ay nahihirapang mabuhay sa kalye matapos siyang palayasin ni Doc RJ, tila gusto ni Doc Lyndon na samantalahin ni Doc Carlos ang pagkakataon na magsabi ng katotohanan kay Doc RJ.

Maging effective kaya ang payo ni Doc Lyndon?

Handa na nga bang umamin si Doc Carlos?

Tampok din sa bagong episode kung ano ang mangyayari kay Moira ngayong wala siyang kapera-pera.

Narito ang ilang pasilip sa episode na ipapalabas ngayong Martes, October 10:

Patuloy na tumutok sa pinag-uusapang serye na Abot-Kamay Na Pangarap, mapapanood tuwing Lunes hanggang Sabado, 2:30 p.m., sa GMA Afternoon Prime.

Maaari ring mapanood ang programa online via Kapuso Stream.

Maaaring balikan ang iba pang episodes ng serye rito: