
All-Out na kilig ang dala ng All-Out Sundays kasama ang cast ng Abot-Kamay na Pangarap.
Nakapanayam ng AyOS barkada sina Jillian Ward, Sophie Albert, at Korean actor Kim Ji-soo.
Ani ni Jillian, "Iba talaga 'yung impact sa akin ng show."
"Mas napalapit po ako sa audience ko. Dito sa role ko mas nakapagbigay po ako ng inspirasyon bilang doktor."
"Marami po akong na-inspire, and doon pa lang, sobrang blessing na ito sa akin."
Napanood si Jillian bilang si Dra. Analyn Santos.
Para kay Sophie Albert, na naging kontrabidang si Hazel, naging challenging ang kanyang role dahil sa mga naging bashers nito.
"Yes, marami umaaway sa akin online pero so far naman in person, inuunahan ko na sila ng smile."
Kahit patapos na ang teleserye ng sumabak dito si Kim Ji-soo, naging malapit pa rin siya sa cast ng Abot-Kamay na Pangarap.
"It was really a good experience, working with them, with Jillian...
Hindi naman nagpahuli si Faith Da Silva sa pagbisita sa All-Out Sundays ni Kim Ji-soo
Patuloy na panoorin ang musical variety show na All-Out Sundays tuwing 12 noon sa GMA-7.
Samantala, tingnan ang mga kaganapan sa media conference para sa Abot-Kamay na Pangarap finale rito: