GMA Logo Jillian Ward, Carmina Villarroel, Richard Yap, Abot-Kamay Na Pangarap
What's on TV

'Abot-Kamay Na Pangarap' cast, magte-taping sa Japan?

By EJ Chua
Published November 9, 2023 3:56 PM PHT

Around GMA

Around GMA

Shiloh Jolie to make music video debut in Dayoung's 'What's a Girl to Do'
Thai artist pami evaluates the cost of heartbreak in a relationship with new single 'cry jar'
Daig Kayo Ng Lola Ko: Children Adventure Stories (Full Episodes Marathon) | Stream Together

Article Inside Page


Showbiz News

Jillian Ward, Carmina Villarroel, Richard Yap, Abot-Kamay Na Pangarap


Excited na ang 'Abot-Kamay Na Pangarap' team sa nalalapit na pagpunta nila sa Japan.

Sa darating na Disyembre, bibisita bibisita sa Japan ang ilan sa cast ng GMA's top-rating series na Abot-Kamay Na Pangarap.

Kabilang sa mag te-taping sa naturang bansa ay ang mag-ina na sina Doc Analyn (Jillian Ward) at Lyneth (Carmina Villarroel).

Bukod sa kanila, kasama rin sa Japan ang Chinito actor na si Richard Yap na gumaganap sa serye bilang si Doc RJ. Makikisaya rin doon si Doc Carlos, ang role ni Allen Dizon sa pinag-uusapang programa. Makakasama rin nila ang Sparkle star na si Ken Chan na kilala naman sa serye bilang si Doc Lyndon, isa sa mga doktor sa Eastridge Medical Hospital.

Ang lead star ng Abot-Kamay Na Pangarap na si Jillian Ward, excited na sa pagpunta nila abroad para bisitahin ang ilang mga Pinoy doon at para na rin sa kanilang tapings.

Sa isang panayam, ibinahagi ni Jillian kung gaano siya kasaya sa nalalapit na pagpunta nila sa Japan kasama ang ilan sa kanyang co-stars. Ayon sa tinaguriang Star of The New Gen, “Gagawin ko po ang lahat para ma-entertain ang lahat ng mga Kapuso natin diyan sa Japan.”

“Masaya po ako kasi kasama ko po ang Abot-Kamay Na Pangarap family,” dagdag pa ni Jillian.

Pahayag naman ni Carmina, “Magte-taping din kami doon [Japan]… mapapanood n'yo rin sa mga ibang episodes ng Abot-Kamay Na Pangarap.

Mga Kapuso abroad, abangan ang ilang mga karakter sa serye sa Nagoya City sa Japan.

Panoorin ang report na ito:

Patuloy na tumutok sa pinag-uusapang serye na Abot-Kamay Na Pangarap, mapapanood tuwing Lunes hanggang Sabado, 2:30 p.m., sa GMA Afternoon Prime.

Maaari ring mapanood ang programa online via Kapuso Stream. Maaaring balikan ang iba pang episodes ng serye rito: www.gmanetwork.com/entertainment/tv/abot_kamay_na_pangarap/home/