GMA Logo abot kamay na pangarap
What's on TV

Abot-Kamay Na Pangarap: Doc Analyn, isa sa mga mag-oopera sa conjoined twins

By EJ Chua
Published June 27, 2023 1:06 PM PHT

Around GMA

Around GMA

Young Pinoy entrepreneurs can access up to P500K loans from DTI's SBCorp.
SEVENTEEN's Vernon, DK to start military service in August and September
LIVE - SONA 2026-Pres. Bongbong Marcos' 5th State of the Nation Address (July 27) | GMA Regional TV

Article Inside Page


Showbiz News

abot kamay na pangarap


Muling masusubukan ang husay ng pinakabatang doktor sa bansa na si Doc Analyn sa 'Abot-Kamay na Pangarap.'

Ngayong Martes, June 27, sa GMA's top-rating afternoon series na Abot-Kamay Na Pangarap, makakatanggap si Doc Analyn (Jillian Ward) ng offer tungkol sa surgery ng conjoined twins na kasalukuyang nasa Eastridge Medical Hospital.

Bukod sa pagiging genius, si Doc Analyn ay kilala bilang pinakabatang doktor sa Pilipinas.

Napakarami ang talaga namang humahanga sa kanya dahil hindi lang siya basta-bastang doktor, siya ay mayroong mabuting puso.

Sa bagong episode ng serye, muling masusubukan ang kanyang husay sa pag-oopera.

Mapapanood ngayong Martes kung ano ang magiging reaksyon ni Doc Analyn kapag inalok na siya na maging parte ng upcoming surgery sa conjoined twins.

Muli kayang mapapatunayan ng batang doktor na hindi hadlang ang kanyang murang edad upang maipakita niya ang kanyang mga kakayahan?

Maging matagumpay kaya ang gagawing surgery sa kambal? Ano kaya ang susunod na mangyayari sa buhay ni Doc Analyn?

Panoorin ang ilang pasilip na eksena na mapapanood ngayong Biyernes sa video na ito:

Abangan ang susunod na mga tagpo sa Abot-Kamay Na Pangarap, mapapanood tuwing Lunes hanggang Sabado, 2:30 p.m., sa GMA Afternoon Prime.

Maaari ring mapanood ang programa online via Kapuso Stream.

Maaaring balikan ang iba pang episodes ng serye rito:

KILALANIN ANG MGA SUMUSUPORTA KAY DOC ANALYN SA ABOT-KAMAY NA PANGARAP SA GALLERY SA IBABA: