
Isa rin ba kayo sa patuloy na hook na hook sa istorya ng GMA's top-rating series na Abot-Kamay Na Pangarap?
Sa naturang serye, isa ang karakter ng Sparkle star na si Ken Chan sa talaga namang inaabangan ng mga manonood.
Napapanood siya rito bilang si Doc Lyndon, ang katrabaho ni Doc Analyn (Jillian Ward) sa Eastridge Medical Hospital.
Sa bagong episode ng serye na mapapanood ngayong Lunes, July 31, matutunghayan ang intense na mga eksena ni Doc Lyndon.
Dahil sa kakaibang ikinikilos ng doktor, tila hindi na maiiwasan na mag-alala na ang batang doktor na si Doc Analyn sa una.
Ilang araw na niyang napapansin na sobrang balisa ito at tila hindi maayos ang kaniyang kalagayan at pati na rin ang pag-iisip.
Bukod kay Doc Analyn, marami na ring nakapansin sa biglaang pagbabago ng ugali ni Doc Lyndon lalo na kapag ito ay nasa ospital.
Kaabang-abang sa bagong episode ang eksena nina Doc Analyn at Doc Lyndon.
Mapansin kaya ni Doc Lyndon na nag-aalala na sa kaniya ang kapwa niya doktor?
May madiskubre na kaya si Doc Analyn tungkol sa kasalukuyang kinakaharap ni Doc Lyndon?
Panoorin ang ilang pasilip na eksena sa bagong episode sa video na ito:
Patuloy na tumutok sa Abot-Kamay Na Pangarap, mapapanood tuwing Lunes hanggang Sabado, 2:30 p.m., sa GMA Afternoon Prime.
Maaari ring mapanood ang programa online via Kapuso Stream.
Maaaring balikan ang iba pang episodes ng serye RITO.
KILALANIN ANG MGA SUMUSUPORTA KAY DOC ANALYN SA ABOT-KAMAY NA PANGARAP SA GALLERY SA IBABA: