GMA Logo Jillian Ward, Allen Dizon, Abot Kamay Na Pangarap
What's on TV

Abot-Kamay Na Pangarap: Doc Carlos, muling haharangin si Doc Analyn?

By EJ Chua
Published January 11, 2024 1:28 PM PHT

Around GMA

Around GMA

Signal No. 1 up in Catanduanes, Camarines Sur as Ada slightly weakens
Girl, 7, hit, run over by pickup truck in Ilocos Sur; dies
'Heated Rivalry' star Hudson Williams makes runway debut at Milan Fashion Week

Article Inside Page


Showbiz News

Jillian Ward, Allen Dizon, Abot Kamay Na Pangarap


Hindi nga ba hihinto si Doc Carlos sa pagpigil kay Doc Analyn sa mga gusto niyang gawin bilang doktor? Abangan sa 'Abot-Kamay Na Pangarap.'

Patuloy na napapanood si Allen Dizon sa hit GMA series na Abot-Kamay Na Pangarap.

Kilala siya sa serye bilang si Doc Carlos, ang asawa ni Lyneth na karakter naman ni Carmina Villarroel.

Si Doc Carlos din ang stepfather ni Analyn (Jillian Ward) at ang tunay na ama ni Zoey (Kazel Kinouchi).

Sa previous episodes ng naturang afternoon series, natunghayan ang pagharang ni Doc Carlos sa mga plano ng batang doktor na si Analyn.

Hindi niya pinayagang umalis ng bansa si Analyn kahit alam niyang gusto ito ng huli.

Sa bagong episode na mapapanood ngayong Huwebes, January 11, mapapanood na muling guguluhin ni Doc Carlos si Analyn.

Tuluyan na bang magiging kalaban at kaaway ni Analyn ang dating mabait na doktor na si Doc Carlos dahil kay Zoey?

Ano pa kaya ang susunod na gagawin ni Doc Carlos laban sa pinakabatang doktor sa bansa na kanya ring stepdaughter?

Silipin ang ilang eksenang mapapanood ngayong Huwebes sa video sa ibaba:

Patuloy na tumutok sa pinag-uusapang serye tuwing hapon, ang Abot-Kamay Na Pangarap.

Mapapanood ito tuwing Lunes hanggang Sabado, 2:30 p.m., sa GMA Afternoon Prime.

Maaari ring mapanood ang programa online via Kapuso Stream.

Maaaring balikan ang iba pang episodes ng serye rito: