
Isa sa tinututukan ng viewers sa Abot-Kamay Na Pangarap ay ang karakter ni Allen Dizon.
Napapanood siya sa serye bilang si Doc Carlos, ang asawa ni Lyneth na karakter naman ni Carmina Villarroel.
Si Doc Carlos din ang ang tunay na ama ni Zoey (Kazel Kinouchi) at stepfather ni Analyn (Jillian Ward).
Sa mga nakaraang episode ng naturang hit GMA series, natunghayan ang pagtulong ni Carlos sa anak niyang si Zoey.
Kahit alam niyang may si Zoey ang tumulak kay Lolo Pepe (Leo Martinez) sa bangin, pinili niyang tulungan ang kanyang anak na takasan ang kasalanan nito.
Sa bagong episode na mapapanood ngayong January 24, 2024, dapat abangan ang eksena nina Carlos at Moira (Pinky Amador), ang ina ni Zoey.
Si Carlos nga ba ang tutulong kay Moira upang makatakas?
Hanggang kailan kakampihan ni Carlos ang mga kaaway ng kanyang asawa na si Lyneth?
Silipin ang ilang eksenang mapapanood ngayong Miyerkules sa video sa ibaba:
Patuloy na tumutok sa pinag-uusapang serye tuwing hapon, ang Abot-Kamay Na Pangarap.
Mapapanood ito tuwing Lunes hanggang Sabado, 2:30 p.m., sa GMA Afternoon Prime.
Maaari ring mapanood ang programa online via Kapuso Stream.
Maaaring balikan ang iba pang episodes ng serye rito: