GMA Logo Jillian Ward and Andre Paras
What's on TV

Abot-Kamay Na Pangarap: Doc Luke, inamin na ang totoong feelings kay Dra. Analyn

By EJ Chua
Published January 27, 2023 10:45 AM PHT

Around GMA

Around GMA

Bilihan ng paputok sa Bulacan, dinadayo na; ilang uri ng paputok, tumaas na ang presyo
VPSD, mapasalamaton tungod nahatagan og taas nga panahon nga makauban si FPRRD | One Mindanao
A cake for pet dogs? Chef RV shares new recipe

Article Inside Page


Showbiz News

Jillian Ward and Andre Paras


Doc RJ, pinakiusapan si Lyneth na huwag nang ituloy ang pagpapakasal kay Michael.

Sa pagpapatuloy ng pinag-uusapang GMA Afternoon Prime series na Abot-Kamay Na Pangarap, inamin na ni Doc Luke (Andre Paras) ang totoo niyang nararamdaman kay Dra. Analyn (Jillian Ward).

Ginawa ni Doc Luke ang pag-amin matapos siyang pakiusapan ni Dra. Analyn na makipag-ayos na kay Dra. Zoey.

Labis namang ikinabigla ni Dra. Analyn ang pagtatapat ni Doc Luke ng feelings para sa kanya. Sa kabila nang pag-amin ni Doc Luke, mas pinili ni Dra. Analyn ang pagkakaibigan nila ni Dra. Zoey (Kazel Kinouchi).

Pero masagot kaya ni Dra. Analyn ang tanong sa kanya ni Dra Zoey kung sino nga ba ang "bagong nagugustuhan" ni Doc Luke?

Samantala, parehong na-trap sina Doc RJ (Richard Yap) at Lyneth (Carmina Villarroel) sa elevator matapos itong huminto at mawalan ng ilaw. Hindi naman naitago ni Lyneth ang takot sa harap ni Doc RJ at napapakapit na lamang sa doktor sa tuwing gumagalaw ang elevator.

Kinuha naman ni Doc RJ ang pagkakataong ito para sabihin kay Lyneth na huwag nang ituloy ang pagpapakasal kay Michael.

Panoorin ang ilang mga eksena rito:

Huwag palampasin ang mga susunod na kapana-panabik na eksena sa Abot-Kamay Na Pangarap, mapapanood tuwing Lunes hanggang Sabado, 2:30 p.m. sa GMA Afternoon Prime.

Mapapanood din ang programa via Kapuso livestream.

Maaaring balikan ang iba pang episodes ng serye rito.

TINGNAN ANG DIFFERENT LOOKS NI DRA. ANALYN SA GALLERY NA ITO: