
Sa pagpapatuloy ng pinag-uusapang GMA Afternoon Prime series na Abot-Kamay Na Pangarap, nagbalik na sa APEX Medical Hospital ang dating bully doctor na kaibigan na ngayon ni Dra. Analyn (Jillian Ward) na si Dra. Zoey (Kazel Kinouchi).
Ito ay matapos na makarekober mula sa post-traumatic stress disorder (PTSD) na naranasan niya nang ma-kidnap ng mga armadong lalaki sa isang medical mission.
Masayang-masaya si Dra. Zoey na nakabalik sa ospital at muling nakita ang nobyong si Doc Luke (Andre Paras) at kaibigang si Dra. Analyn.
Samantala, hindi naman mapalagay si Doc Luke nang malamang nagsabi na si Regan (Jeff Moses) sa ina ni Dra. Analyn na si Lyneth (Carmina Villarroel) tungkol sa planong panliligaw nito.
Dahil unti-unti nang nahuhulog ang loob kay Dra. Analyn at para hindi na rin maging unfair kay Dra. Zoey, napagdesisyunan ni Doc Luke na makipaghiwalay na sa huli.
Humingi naman ng pabor si Dra. Zoey kay Dra. Analyn na kausapin niya si Doc Luke at tulungan silang magkabalikan. Sinunod naman ito ni Dra. Analyn at pinuntahan si Doc Luke para pakiusapan na makipag-ayos na kay Dra. Zoey.
Dito na sinabi ni Doc Luke ang totoong nararamdaman niya para kay Dra. Analyn.
Huwag palampasin ang mga susunod na kapana-panabik na eksena sa Abot-Kamay Na Pangarap, mapapanood tuwing Lunes hanggang Sabado, 2:30 p.m. sa GMA Afternoon Prime.
Mapapanood din ang programa via Kapuso livestream.
Maaaring balikan ang iba pang episodes ng serye rito.
SILIPIN ANG SISTER MOMENTS NINA DRA. ANALYN AT DRA. ZOEY SA GALLERY SA IBABA: