GMA Logo Jillian Ward and Kazel Kinouchi
What's on TV

Abot-Kamay Na Pangarap: Doc Zoey, sisiraan si Doc Analyn sa social media

By EJ Chua
Published July 14, 2023 12:41 PM PHT

Around GMA

Around GMA

Son of filmmaker Rob Reiner makes court appearance on charges he murdered parents
4th leg ng Noel Bazaar nasa Filinvest Tent sa Alabang, mula Dec.19-21, 2025 | 24 Oras
Concerns raised over damage to flood control project in Surigao del Norte

Article Inside Page


Showbiz News

Jillian Ward and Kazel Kinouchi


Ano kaya ang tsismis na ikakalat ni Doc Zoey tungkol kay Doc Analyn? Abangan sa #AbotKamayNaPangarap.

Nakakagigil na mga eksena ang matutunghayan ngayong Biyernes, July 13, sa GMA's top-rating series na Abot-Kamay Na Pangarap.

Mapapanood sa bagong episode ng serye na maaabutan ni Doc Analyn (Jillian Ward) si Doc Zoey (Kazel Kinouchi) sa parking area kung saan nakaparada ang sasakyan ni Doc Lyndon (Ken Chan).

Mag-aalok ang batang doktor na tulungan si Doc Zoey sa ginagawa nito.

Kasunod nito, magte-trending ang video ni Doc Zoey sa social media habang nililinis niya ang kotse ni Doc Lyndon.

Sa sobrang galit, si Doc Analyn ang kanyang sisisihin tungkol sa kumalat na video niya dahil ang batang doktor lang daw ang nakakita sa kanya habang naglilinis.

Sa moment ni Doc Analyn, gaganti si Doc Zoey sa kanya kahit hindi naman talaga siya ang nagpakalat ng naturang video.

Ano kaya ang gagawin ng salbaheng doktor?

Magtagumpay kaya siya sa plano niyang paninira kay Doc Analyn?

Panoorin ang ilang pasilip na eksena sa episode na mapapanood ngayong Biyernes sa video na ito:

Abangan ang kapana-panabik na mga tagpo sa Abot-Kamay Na Pangarap, mapapanood tuwing Lunes hanggang Sabado, 2:30 p.m., sa GMA Afternoon Prime.

Maaari ring mapanood ang programa online via Kapuso Stream.

SILIPIN ANG ILANG CATFIGHT SCENES NINA ANALYN AT ZOEY SA ABOT-KAMAY NA PANGARAP SA GALLERY SA IBABA: