
Bago ang coronation ng Miss APEX 2022 na mapapanood ngayong Huwebes sa Abot-Kamay Na Pangarap, nakakuha ng tips si Dra. Analyn (Jillian Ward) kay Dra. Katie Enriquez (Che Cosio) kung ano ang mga dapat niyang gawin upang manalo sa pageant.
Nang makakuwentuhan ni Dra. Analyn si Dra. Katie nagulat ang batang doktor nang malaman niyang ang kaniyang kaharap ang itinanghal bilang Miss APEX noon.
Dahil first time genius doctor sa pagsali sa isang beauty pageant, hindi na niya pinalampas ang pagkakataon na humingi ng advice mula rito.
Payo ni Dra. Katie kay Analyn, “Just be yourself. Enjoy the pageant and hope for the best!”
Matapos nito, pinigilan niya sa pag-alis ang kaniyang chief resident upang turuan naman siya kung paano rumampa kapag nasa mismong stage na siya para sa pageant.
Buong akala niya ay susungitan siya nito pero ilang segundo lang ang lumipas ay nagulat si Analyn nang rumampa si Dra. Katie sa kaniyang harapan.
Sa katunayan pa nga, natulala si Analyn dahil sa kaniyang nasaksihan.
Habang rumarampa, nagbigay pa ito ng tips tungkol sa tamang pagtingin at pagngiti sa judges at audience.
Makikita sa reaksyon ni Analyn ang labis na paghanga kay Dra. Katie.
Samantala, panoorin ang “Dra. Katie walk” sa video na ito:
Magagawa kaya ni Analyn ang mga itinuro sa kaniya ng kaniyang chief resident?
Abangan kung sino ang tatanghaling Miss APEX 2022, mapapanood na mamaya sa Abot-Kamay Na Pangarap.
Patuloy na subaybayan ang hit inspirational-medical drama series, mapapanood tuwing Lunes hanggang Sabado, 2:30 p.m., sa GMA Afternoon Prime.
Mapapanood din ang programa via Kapuso livestream.
Maaaring balikan ang iba pang episodes ng serye rito.
SILIPIN ANG SET NG ABOT-KAMAY NA PANGARAP SA GALLERY SA IBABA: