
Parami nang parami ang nahu-hook sa istorya ng GMA inspirational-medical drama series na Abot-Kamay Na Pangarap.
Hindi lang sa telebisyon certified hit ang naturang serye kundi pati na rin online.
Nito lamang Martes, February 21, 2023, pumalo na sa 3 billion ang kabuuang views ng videos na tungkol sa serye sa tatlong social media platforms- YouTube, Facebook, at pati na rin sa TikTok.
Ilang videos ang patuloy na humahakot ng million views gaya na lamang ng eksena kung saan mapapanood na catfight scenes nina Analyn Santos at Zoey Tanyag, ang mga karakter nina Jillian Ward at Kazel Kinouchi sa serye.
Patuloy ding nagte-trending ang father-daughter moments nina Doc RJ Tanyag (Richard Yap) at Analyn.
Kasabay din nitong tumatabo ng million views ang ilang matitinding eksena ng dalawang palaban na nanay na sina Lyneth Santos (Carmina Villarroel) at Moira Tanyag (Pinky Amador).
Bukod sa mga nabanggit na aktor, napapanood din sa hit GMA series sina Dominic Ochoa, Andre Paras, Chuckie Dreyfus, Che Cosio, Wilma Doesnt, Ariel Villasanta, Leo Martinez, Jeff Moses, Dexter Doria, at marami pang iba.
Noong nakaraang buwan, kinilala ang serye bilang Television Drama of the Year sa 2023 Platinum Stallion National Media Awards.
Samantala, marami pang pasabog na eksena ang dapat abangan sa susunod na episodes ng serye.
Patuloy na tumutok sa Abot-Kamay Na Pangarap tuwing Lunes hanggang Sabado, 2:30 p.m., sa GMA Afternoon Prime.
Mapapanood din ang programa via Kapuso Stream.
Maaaring balikan ang iba pang episodes ng serye rito.
SILIPIN ANG BEST MOTHER-DAUGHTER MOMENTS NINA LYNETH AT ANALYN SA GALLERY SA IBABA: