Behind-The-Scenes: Birthday party ni Dra. Analyn sa 'Abot-Kamay Na Pangarap'

Ngayong Miyerkules, February 1, natunghayan sa Abot-Kamay Na Pangarap ang surprise birthday party na inihanda nina Dra. Zoey (Kazel Kinouchi), Lyneth (Carmina Villarroel), at marami pang iba para sa pinakabatang doktor sa bansa na si Dra. Analyn (Jillian Ward).
Sa episode na ito, nakita ng mga manonood ang stunning look ni Dra. Analyn Santos habang suot ang kaniyang gown at alahas na iniregalo sa kaniya ni Dra. Zoey.
Ilan sa mga nakisaya sa kaniyang kaarawan ay ang APEX medical director na si Doc RJ (Richard Yap), ilang APEX doctors at nurses, at iba pang mga malalapit na tao sa genius doctor.
Silipin ang looks ng Abot-Kamay Na Pangarap cast na dumalo sa surprise birthday party ni Dra. Analyn sa gallery na ito.












