
Sa katatapos lang na episode ng GMA's top-rating afternoon series na Abot-Kamay Na Pangarap labis na naaliw ang mga manonood sa nangyari kay Moira (Pinky Amador).
Muli na namang nagkita sina Moira at Lyneth (Carmina Villarroel).
Habang nasa isang sosyal na clothing store, minaliit na naman ni Moira si Lyneth at sinabing wala raw itong pambili ng mamahaling damit.
Kasunod nito, sinabi niyang ang gusto niyang bilhin ay ang mismong nagustuhan din ni Lyneth.
Hindi gaanong pinansin ni Lyneth si Moira at imbes na magpaapekto ay umisip na lamang ang una ng paraan para makaganti sa huli.
Habang nagsusukat si Moira, nagsisigaw si Lyneth na kunwari ay mayroong sunog sa loob ng shop hanggang sa napaniwala ng huli ang una.
Mabilis na lumabas si Moira sa shop hanggang sa mapagbintangan siya ng manager nito na ninakaw na niya ang ibinebenta nilang white gown.
Labis na napahiya si Moira sa harap ng maraming tao dahil sa pagsita sa kanya ng manager habang may kasama itong guard.
Nang lumabas si Lyneth, itinuro siya ni Moira ngunit ipinagtanggol siya ng manager ng shop.
Kinaaliwan ng mga manonood kung paano nagmaang-maangan si Lyneth sa ibinibintang sa kanya ni Moira.
Panoorin ang mga eksenang ito:
Narito ang ilang reaksyon at komento ng mga manonood sa naturang eksena:
Abangan pa ang kapana-panabik na mga tagpo sa Abot-Kamay Na Pangarap, mapapanood tuwing Lunes hanggang Sabado, 2:30 p.m., sa GMA Afternoon Prime.
Maaari ring mapanood ang programa online via Kapuso Stream.
Maaaring balikan ang iba pang episodes ng serye rito:
KILALANIN ANG MGA SUMUSUPORTA KAY DOC ANALYN SA ABOT-KAMAY NA PANGARAP SA GALLERY SA IBABA: