
Ngayong Lunes, May 22, sa GMA's top-rating afternoon series na Abot-Kamay Na Pangarap, matutunghayan ang pagpunta ni Moira (Pinky Amador) sa US at ang muli nilang pagkikita ng kanyang asawa na si Doc RJ (Richard Yap).
Matapos palayasin ni Madam Giselle (Dina Bonnevie) si Moira sa APEX Medical Hospital, naisipan na ng huli na sumunod na lamang sa kanyang anak na si Zoey (Kazel Kinouchi) sa US.
Kasalukuyang nasa ibang bansa si Zoey at binabantayan niya si Doc RJ habang nagpapagaling ang huli.
Habang pinapaikot at pinaniniwala ni Zoey si Doc RJ tungkol sa kasamaan daw ni Analyn (Jillian Ward), isang plano ang naisip ni Moira.
Binabalak nilang mag-ina na papirmahin si Doc RJ ng isang dokumento tungkol sa Special Power of Attorney o SPA upang magkaroon ng karapatan si Moira sa APEX.
Base sa mga ikinikilos ni Doc RJ ay naisip nina Zoey at Moira na napapaniwala na nila si Doc RJ sa lahat ng kanilang kwento at sinasabi.
Kaabang-abang sa bagong episode ang pagtawag ni Madam Giselle sa kanyang kapatid na si Doc RJ para balaan siya tungkol sa kasamaan ni Moira.
Ano kaya ang susunod na mangyayari habang nasa US ang mag-anak?
Magtagumpay kaya si Moira sa kanyang binabalak?
Abangan ang susunod na mga tagpo sa Abot-Kamay Na Pangarap, mapapanood tuwing Lunes hanggang Sabado, 2:30 p.m., sa GMA Afternoon Prime.
Maaari ring mapanood ang programa online via Kapuso Stream.
Maaaring balikan ang iba pang episodes ng serye rito:
SILIPIN ANG SET NG ABOT-KAMAY NA PANGARAP SA GALLERY SA IBABA: