GMA Logo Allen Dizon, Carmina Villarroel, Raheel Bhyria, Abot Kamay Na Pangarap
What's on TV

Abot-Kamay Na Pangarap: Harry at Lyneth, magkasamang tatakas

By EJ Chua
Published March 21, 2024 12:09 PM PHT

Around GMA

Around GMA

Massive fire kills 6 in Pakistan’s Karachi, destroys shopping center
No classes in Cebu City, province after Sinulog festivity
Farm to Table: (January 18, 2026) LIVE

Article Inside Page


Showbiz News

Allen Dizon, Carmina Villarroel, Raheel Bhyria, Abot Kamay Na Pangarap


Magtagumpay kaya sina Lyneth at Harry sa pagtakas mula kay Carlos? Abangan ngayong Huwebes sa 'Abot-Kamay Na Pangarap.'

Intense na mga eksena ang matutunghayan sa Abot-Kamay Na Pangarap live today, March 21.

Sa bagong episode ngayong Huwebes, mapapanood ang pagtakas nina Lyneth at Harry, ang mga karakter nina Carmina Villarroel at Raheel Bhyria sa serye.

Maaabutan ni Harry na nakatulog ang kanyang ama na si Carlos (Allen Dizon) dahil sa kalasingan, kaya naman susubukan niyang tumakas.

Tutulungan din ni Harry ang ina ni Analyn (Jillian Ward) na si Lyneth at isasama niya ang huli sa kanyang planong pagtakas.

Magtagumpay kaya sila sa kanilang gagawin?

Si Harry na ba ang makakasagot sa lahat ng pag-aalala at pagdududa ni Analyn tungkol sa kanyang stepfather?

Ano kaya ang susunod na gagawin ni Carlos?

Narito ang ilang pasilip sa episode na mapapanood ngayong Huwebes ng hapon:

Patuloy na tumutok sa pinag-uusapang serye na Abot-Kamay Na Pangarap, mapapanood tuwing Lunes hanggang Sabado, 2:30 p.m., sa GMA Afternoon Prime.

Maaari ring mapanood ang programa online via Kapuso Stream.

Maaaring balikan ang iba pang episodes ng serye rito: