
Sa ikalawang episode ng bagong Kapuso serye na Abot Kamay Na Pangarap, ipinamalas ni Analyn (Jillian Ward) ang kaniyang katalinuhan.
Labis na napabilib ni Analyn ang kaniyang inang si Lyneth (Carmina Villarroel) at ang iba pang mga taong nakasaksi kung paano niya tinulungan ang isang babae na nawalan ng malay.
Ilan sa mga ginawa niya upang maisalba ang buhay ng babae ay ang pag-check kung humihinga pa ba ito, chest compressions, at iba pa.
Tanong ng ilang mga nakakita sa kaniyang kahanga-hangang ginawa, “Bata, paano mo nagawa 'yon?”
Panoorin kung paano sinagip ni Analyn ang buhay ng babaeng nahimatay DITO:
Sa murang edad, tila napakarami nang nalalaman ng anak ni Lyneth.
Kahit pansamantala itong nahinto sa pag-aaral dahil sa kahirapan, patuloy pa ring nangangarap ang henyong bata.
Para kay Analyn, kahit siyam na taong gulang pa lamang siya ay kaya niyang makatulong sa ibang tao sa pamamagitan ng kaniyang mga kaalaman.
Kasunod nito, nangako siya sa kaniyang ina na balang araw ay matutupad ang kaniyang pangarap na maging isang doktor.
Patuloy na subaybayan ang buhay nina Lyneth at Analyn sa Abot Kamay Na Pangarap, mapapanood tuwing Lunes hanggang Sabado, 2:30 p.m., sa GMA Afternoon Prime.
SAMANTALA, KILALANIN ANG CAST NG ABOT KAMAY NA PANGARAP SA GALLERY SA IBABA: