
Sa panibagong linggo ng GMA's top-rating series na Abot-Kamay Na Pangarap, matutunghayan ang kung paano patuloy na sisisihin ni Josa (Wilma Doesnt) ang kanyang kumare na si Lyneth (Carmina Villarroel) sa pagkamatay ng asawa niyang si Cromwell (Ariel Villasanta).
Matapos mabaril si Cromwell at malaman na iniligtas niya si Lyneth, nagsimula nang magalit si Josa sa kanyang kaibigan.
Labis niyang sinisisi si Lyneth dahil kung hindi raw dahil sa kanya ay buhay pa sana ang kanyang asawa.
Nang babarilin na kasi ng holdaper (Ryan Eigenmann) si Lyneth, humarang si Cromwell at siya na ang tinamaan ng bala ng baril.
Kasunod nito, sinubukan pa siyang gamutin sa APEX Medical Hospital, ngunit kahit gawin na ng mga doktor at nurse ang kanilang makakaya, malubha na raw talaga ang kalagayan ni Cromwell.
Punong-puno ng galit ang puso ni Josa, bagay na kailangang maintindihan ni Lyneth dahil sobrang sakit ang naramdaman ngayon ng kanyang BFF.
Panoorin ang eksenang ito:
Magkakaayos pa kaya sina Lyneth at Josa?
Sagutin ang poll na ito:
Huwag palampasin ang mas matindi at mas kapana-panabik na mga tagpo sa Abot-Kamay Na Pangarap, mapapanood tuwing Lunes hanggang Sabado, 2:30 p.m., sa GMA Afternoon Prime.
Maaari ring mapanood ang programa online via Kapuso Stream.
Maaaring balikan ang iba pang episodes ng serye rito:
SILIPIN ANG SET NG ABOT-KAMAY NA PANGARAP SA GALLERY SA IBABA: