GMA Logo Wilma Doesnt
What's on TV

'Abot-Kamay Na Pangarap' viewers, pinuri ang acting skills ni Wilma Doesnt

By EJ Chua
Published April 13, 2023 7:08 PM PHT

Around GMA

Around GMA

State of the Nation Express: December 16, 2025 [HD]
Dawn fire razes 7 houses in Estancia, Iloilo
Japanese lifestyle brand unveils limited edition 'Evangelion' merch collection

Article Inside Page


Showbiz News

Wilma Doesnt


Hinangaan ng 'Abot-Kamay Na Pangarap' viewers ang pagganap ni Wilma Doesnt bilang Josa. #AbotKamayNaPangarap

Kabilang ang aktres na si Wilma Doesnt sa mga hinahangaan ngayon ng Abot-Kamay Na Pangarap viewers.

Sa episode na ipinalabas ngayong Huwebes, April 13, 2023, natunghayan kung paano naging emosyonal ang karakter ni Wilma na si Josa nang magtungo siya sa APEX Medical Hospital.

Mabilis na nagpunta si Josa sa ospital nang malaman niya mula kay Lyneth (Carmina Villarroel) na nabaril ang kanyang asawang si Cromwell (Ariel Villasanta).

Pagdating niya sa APEX, naabutan niya ang mag-inang Lyneth at Analyn (Jillian Ward) na kapansin-pansing nag-aalala kay Cromwell.

Sa dami ng tanong ni Josa sa mag-ina, tila hindi nila alam kung paano sasagot at kung paano nila sasabihin na malala ang kondisyon ni Cromwell.

Matatandaang si Cromwell ang nabaril ng holdaper (Ryan Eigenmann) matapos niyang humarang upang iligtas si Lyneth.

Panoorin ang eksenang ito:

Narito ang ilang komento ng mga manonood sa acting skills ni Wilma Doesnt sa serye:

Samantala, bago nangyari ang matinding kaguluhan at holdapan, plano ni Cromwell na makipag-date sa kanyang asawa na si Josa at isasama niya dapat si Lyneth upang magkaayos na ang dalawa.

Abangan ang susunod na mga tagpo sa Abot-Kamay Na Pangarap, mapapanood tuwing Lunes hanggang Sabado, 2:30 p.m., sa GMA Afternoon Prime.

Maaari ring mapanood ang programa online via Kapuso Stream.

Maaaring balikan ang iba pang episodes ng serye rito.

KILALANIN ANG MGA AKTOR NA NAPANOOD BILANG GUESTS SA ABOT-KAMAY NA PANGARAP SA GALLERY SA IBABA: