
Tila mas titindi pa ang hidwaan ng dalawang karakter sa hit GMA series na Abot-Kamay Na Pangarap.
Kaabang-abang ang susunod na mga eksena nina Zoey (Kazel Kinouchi) at Justine (Klea Pineda) sa serye.
Sa Abot-Kamay Na Pangarap live today, February 7, 2024, magpapakita kay Zoey ang isa sa mga naging kasabwat nila ng kanyang ina na si Moira (Pinky Amador) sa mga ginawa nilang kasamaan kay Lolo Pepe (Leo Martinez).
Makakatanggap ng pagbabanta si Zoey mula sa lalaki.
Ano kaya ang gagawin ni Zoey upang mapanatili ang kanyang maiitim na mga sikreto?
Samantala, mapapanood din sa bagong episode na maaabutan ni Justine ang pag-uusap ni Zoey at ng lalaki.
Malaman na kaya ni Justine na may kinalaman din si Zoey sa mga nangyari kay Lolo Pepe?
Patuloy na tumutok sa pinag-uusapang serye tuwing hapon, ang Abot-Kamay Na Pangarap.
Mapapanood ito tuwing Lunes hanggang Sabado, 2:30 p.m., sa GMA Afternoon Prime.
Maaari ring mapanood ang programa online via Kapuso Stream.
Maaaring balikan ang iba pang episodes ng serye rito: