GMA Logo Carmina Villarroel Richard Yap Allen Dizon on abot kamay na pangarap
What's on TV

Abot-Kamay Na Pangarap: Kasalang RJ-Lyneth o Carlos-Lyneth?

By EJ Chua
Published November 8, 2023 1:58 PM PHT

Around GMA

Around GMA

NBA: Cavs wipe out deficit, extend surge with win over Grizzlies
Davao City forms task force to address socioeconomic crisis
GMA Radio Stations Reinforce Dominance of Mega Manila Airwaves for March 2026

Article Inside Page


Showbiz News

Carmina Villarroel Richard Yap Allen Dizon on abot kamay na pangarap


Abangan ang exciting scenes tungkol sa wedding sa 'Abot-Kamay Na Pangarap.'

Mas marami pang kaabang-abang na mga eksena ang hindi dapat palampasin sa GMA's top-rating series na Abot-Kamay Na Pangarap.

Ngayong Miyerkules, November 8, dapat tutukan ng mga manonood ang mga kaganapan habang naghahanda sina Lyneth (Carmina Villarroel) at Doc Carlos (Allen Dizon) para sa kanilang kasal.

Isusukat ni Lyneth ng kanyang wedding gown ngunit isang pangyayari ang tila makakasira sa kilig moment sana ng una.

Muling paiiralin ni Doc Carlos ang pag-init ng kanyang ulo kaya naman muli siyang magdadala ng panibagong kaguluhan.

Forever na bang mainitin ang ulo ni Doc Carlos?

Ano kaya ang magiging reaksyon ni Lyneth?

Samantala, hindi rin dapat palampasin ang mga eksena nina Doc RJ (Richard Yap) at Lyneth.

May nararamdaman pa ba si Lyneth para kay RJ? O handa na talaga siyang pakasalan si Carlos?

Abangan ang susunod na mangyayari sa buhay ng mag-inang Lyneth at Doc Analyn (Jillian Ward).

Narito ang ilang pasilip sa episode na ipapalabas mamaya sa video sa ibaba:

Patuloy na tumutok sa pinag-uusapang serye na Abot-Kamay Na Pangarap, mapapanood tuwing Lunes hanggang Sabado, 2:30 p.m., sa GMA Afternoon Prime.

Maaari ring mapanood ang programa online via Kapuso Stream.

Maaaring balikan ang iba pang episodes ng serye rito: