GMA Logo Jillian Ward, Carmina Villarroel, Allen Dizon, Abot Kamay Na Pangarap
What's on TV

Abot-Kamay Na Pangarap: Lalabas na ang katotohanan tungkol kay Carlos

By EJ Chua
Published March 12, 2024 1:45 PM PHT

Around GMA

Around GMA

PH pushes AI hub proposal to support MSMEs
Marian Rivera launches Vida Essentials line via six-hour live selling session
Riding-in-tandem, binaril ang asong humabol sa kanila sa Ramon, Isabela | One North Central Luzon

Article Inside Page


Showbiz News

Jillian Ward, Carmina Villarroel, Allen Dizon, Abot Kamay Na Pangarap


Matakasan pa kaya ni Carlos ang kanyang mga kasalanan? Abangan sa 'Abot-Kamay Na Pangarap.'

Kabilang ang karakter ni Allen Dizon sa sinusubaybayan ng Pinoy viewers sa hit GMA series na Abot-Kamay Na Pangarap.

Siya ay kilala sa serye bilang si Carlos, ang asawa ni Lyneth (Carmina Villarroel).

Si Carlos din ang stepfather ni Analyn (Jillian Ward), at tunay na ama nina Zoey (Kazel Kinouchi) at Harry (Raheel Bhyria).

Sa Abot-Kamay Na Pangarap live today, March 12, 2024, matutunghayan ang intense na mga eksena tungkol kay Carlos.

Malalaman ni Analyn mula sa kanyang pinsan na si Justine (Klea Pineda) na ikinasal noon si Carlos kay Irene (Geneva Cruz) bago sa kanyang ina na si Lyneth.

Magsisimula na ring lumaban si Lyneth sa kanyang asawa dahil malakas ang suspetsa niyang si Carlos ang dahilan ng pagkawala ni Irene.

Makatakas kaya si Lyneth kay Carlos?

Ano pa kaya ang susunod na mga mangyayari ngayong unti-unti nang mabubunyag ang kasamaan ni Carlos?

'Abot-Kamay Na Pangarap' male doctors who will make your heart flutter

Narito ang ilang pasilip sa episode na ipapalabas ngayong Martes ng hapon:

Patuloy na tumutok sa pinag-uusapang serye na Abot-Kamay Na Pangarap, mapapanood tuwing Lunes hanggang Biyernes, 2:00 p.m., at Sabado, 2:30 p.m., sa GMA Afternoon Prime.

Maaari ring mapanood ang programa online via Kapuso Stream.

Maaaring balikan ang iba pang episodes ng serye rito: